Spandau Ballet fans humanda kayo!
Siguradong excited na naman ang mga fans ng sikat na grupong Spandau Ballet ng dekada ’80s dahil tutuparin ng Live Artists Production, Inc. at Steve O’Neal Productions ang hiling ng kanilang mga fans, ang muling mag-perform sa bansa ang grupo! Pinamagatang Gold… Tony Hadley, nakatakdang magpaunlak sina Tony Hadley at kasamang John Keeble sa Aug. 8 (Friday) sa Clark Export Pampanga) at Aug. 9 (Saturday) sa Araneta Coliseum.
Si Tony Hadley ay dating lead singer at si John Keeble ay naging dating drummer ng 1980s na tinaguriang “new romantic band” na Spandau Ballet. Aawitin nilang muli ang mga sikat na Gold, True, Highly Strung, Round and Round, Through the Barricades, Communication, Heaven is Secret, Revenge for Love, To Cut Long Story Short, With the Pride at marami pang iba.
Pagkatapos ma-disband ng grupo, nagsolo na si Tony at gumawa ng first album na The State of Play noong 1992 sa EMI at makalipas ang mga taon ay nagtayo siya ng sariling recording company, ang Slipstream Records at ni-release ang single na Build Me Up mula sa movie na When Saturday Comes. Naging busy rin siya sa orchestral tour sa Europe at nakipag-collaborate sa various dance acts and DJs katulad nina Tin Tin Out, Eddie Lock, Marc et Claude, Regi Penxten (Milk, Inc.) at Disco Bros., at nakipagtrabaho sa mga musicians tulad nila Alice Cooper, Paul Young, Jon Andeson, and Brian May.
Pumirma rin siya sa PolyGram TV, at ni-release ang self-titled solo album noong 1997, kasama sa album ang She, sarili niyang composed song para sa kaniyang anak.
Kaya sa mga ’80s mania fans, humanda na kayo at available na ang mga tiket para sa Araneta Coliseum concert sa halagang P5,250, P3,675, P3,150, P1,575, P1,050, P525 at para sa Clark Expo Pampanga (P3,150, P2,100, P1,050, P525) sa lahat ng SM Ticketnet outlets (911-5555) at Live Artists Production, Inc. (929-4568 or 929-8206).
- Latest