The best ni Regine ipapakita
Ngayong Linggo, iniimbitahan ng Asia’s Songbird Regine Velasquez ang lahat ng mga nagmamahal sa kaniya, mga kaibigan at lalo na ang mga loyal fans para sa kaniyang ’di malilimutang konsiyerto ng pasasalamat sa espesyal na pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, ang The Best of Me, Regine Velasquez.
Mapapanood sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA7, Abril 27, makisaya at makikanta na sa loob ng dalawang oras sa pagdaraos sa loob mismo ng kanyang bahay! Ang birthday special na ito ay handog ng nasabing first-rate performer sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya sa loob ng mahigit 20 taon.
Makakasama ni Regine sa nasabing birthday special ang mga premyadong mang-aawit sa ating bansa tulad ng R&B royalties na sina prince Jay R at princess Kyla. Dapat ding abangan ang duet nina Regine at ultimate singer-songwriter at sweetheart Ogie Alcasid. Alamin din kung sino pa ang two special guests ni Songbird bukas sa kaniyang birthday concert.
Ilan sa mga aawitin ni Regine ay ang mga hit music noon at ngayon tulad ng Bubbly, Perte, Hotel California, Hindi Na Ayoko Na, at medley ng mga awitin ni Claire Marlo at The Best of Me. Kakantahin din ni Regine sa kauna-unahang pagkakataon ang awiting Babae na siyang theme song ng Pinoy-animated movie na Urduja.
Huwag palagpasin ang espesyal na konsyerto, ang The Best of Me, Regine Velasquez sa SNBO, pagkatapos ng Ful Haus sa GMA 7.
- Latest