^

PSN Showbiz

Jennylyn lumaki na ang ilong

-

Maraming nagbubunyi dahil mas maaga nang mapapanood ang That’s My Doc ni Aga Muhlach – 6 p.m. every Saturday sa Kapamilya Network. Sa previous timeslot kasi nito ay Sunday at 11 p.m., puro reklamo ang maririnig sa mga gustong manood dahil Monday nga naman the following day, so hindi sila puwedeng mapuyat. So ang nangyayari, hindi lahat ng fans ni Aga, napapanood ang That’s My Doc.

Actually, very vocal si Aga tungkol sa timeslot ng kanyang programa, say nga niya he felt bad dahil pambata ang programa, pero nasa gabing-gabing timeslot naman sila.

“Saka kailangan talaga nating matawa at  masaya kung mas maraming bata ang makakapanood kasama ang kani­lang pamilya,” sabi pa ng actor.

Kamakailan lang ay pinarangalan na ang That’s My Doc ng Unibersidad ng Santo Tomas sa kanilang annual USTv Students’ Choice Awards bilang Best Sitcom.

Kasama rin sa That’s My Doc sina Nova Villa, Roderick Paulate, Lara Quiga­man, Bayani Agbayani, Pokwang, at Celine Lim.

Anyway, sinagot ng actor ang issue tungkol sa offer ng GMA 7. Gano’n naman daw talaga yun, kung sa pelikula meron siyang offer outside Star Cinema, ganundin sa TV.

Bukod sa masaya si Aga dahil nalipat sa mas maagang timeslot ang That’s My Doc na matagal-tagal din niyang inasam na mangyari, maganda rin ang reaction sa trailer ng When Love Begins na showing na sa April 30.

* * *

 Kahit maganda si Jennylyn Mercado sa kanyang pagbubuntis, maraming nagsasabi na baby boy ang nasa loob ng kanyang tummy. Say ng isang source, lumaki na raw ang ilong ng actress na isang indication na lalaki ang anak niya. Kamakailan lang ay isinugod si Jennylyn sa hospital dahil sa pananakit ng tiyan.

Girl sana raw ang gusto ni Jennylyn dahil si Patrick Garcia ang may gustong lalaki ang maging anak nila.

September pa ang due ni Jennylyn.

* * *

Finished na pala ang shooting ng movie nina Robin Padilla at AiAi delas Alas, ang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy under the direction of Wenn Deramas na kino-consider na breather role for Robin.

For a change nga naman, hindi makikita sa action scenes ang actor. At least, Robin will make people laugh sa nasabing movie na first team up nila ni AiAi sa Viva Films.

At imbes na gawin ang death-defying stunt, magliligtas siya ng buhay ng isang bata na nahulog sa manhole.

Pero hindi umano ito simpleng katatawanan dahil say ni Direk Wenn, issue ito ng utang na loob na karaniwang ugali nating mga Pinoy. — Salve V. Asis

vuukle comment

AGA MUHLACH

BAYANI AGBAYANI

BEST SITCOM

BONGGA KA BOY

CELINE LIM

JENNYLYN

MY DOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with