^

PSN Showbiz

Angel kinalimutang pasalamatan ang manager

-

Dahil nagbigay ng pahayag si Aga Muhlach na kung binata lang siya ay puwede siyang ma-in-love sa kapareha sa When Love Begins na si Anne Curtis, we asked the young actress if the feeling is mutual.

Na kung binata ba si Aga ay posible rin siyang mag-fall dito.

“Well, of course, if he was single, di ba? I mean, hindi naman mahirap ma-in-love sa isang Aga Muglach, di ba?”

Kung sakali bang nagkasabay sa isang panahon sina Aga at Sam Milby na pareho silang binata at manligaw sa kanya, ibig bang sabihin nito ay wala nang pag-asa ang huli?

“Ay, wala naman akong sinasabing ganyan,” kaagad na sagot  ni Anne.

So, sino nga ang mas pipiliin niya?

“Hindi ko alam, eh. May the best man wins. Pero kami ni Sam, iba rin talaga ‘yung closeness namin. So I wouldn’t say na wala siyang chance if ever,” sabi pa ng young actress.

Right now, consistent si Anne sa pagsasabing hindi pa niya boyfriend si Sam although everyone can see na gusto rin naman niya ang Fil-Am actor.

Showing na sa April 30 ang When Love Begins at pagkatapos nito’y uumpisahan na ni Anne ang teleseryeng Diyosa kung saan ay makakasama niya si Sam.

Marami ang nagsasabi na remake raw ito ng dating movie ni Lorna Tolentino with the same title pero itinanggi ito ni Anne at ang alam daw niya ay original story ito.

Gagampanan ni Anne sa Diyosa ang papel na descendant nina Mariang Sinukuan at Bernardo Carpio. May isa pa rin siyang teleseryeng naka-line-up, ang The Wedding with Zanjoe Marudo and Derek Ramsay na hindi raw niya alam  kung kailan sisimulan.

* * *

Pagkatapos ng birthday celebration ni Angel Locsin kahapon sa ASAP 08 ay marami agad ang nag-text sa amin na nakapansin na hindi raw pinasalamatan ng young actress ang manager na si Becky Aguila.

Pinasalamatan raw lahat ultimo mga sponsors pero hindi raw naalala man lang ang manager na napakalaki ng hirap sa kanya.

Pero nang maka-text naman namin si tita Becky, ipinagtanggol niya ang alaga by saying na nakalimutan daw nito at babawi na lang daw sa The Buzz.

 

* * *

Aga Muhlach is thankful na sa kanyang edad (38) ay leading man material pa rin siya at hindi pa naa-assign sa mga father roles  tulad ng mga kasabayan niya.

Aminado ang aktor na kung tutuusin ay he had his time and he’s happy na hanggang ngayon, he’s still having his time.

In fact, napakarami pa ring naka-line-up sa kanyang projects for the next few years. Nasa 2007 pa lang tayo ngayon, pero inihahanda na ng Star Cinema ang movie niya for 2008.

For next year, nakatakda na raw gawin ni Aga ang isang pelikula with Angel Locsin. First team-up ito ng dalawa kaya no wonder na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ng Star Cinema.

May offer din ang Regal Films kay Aga na pagsamahin sila ni Marian Rivera pero anang aktor, priority niya ang Star Cinema kaya hindi niya alam kung magkakaroon pa siya ng oras na tanggapin ang alok ni Mother Lily Monteverde. –Vinia Vivar

vuukle comment

AGA

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

NIYA

STAR CINEMA

WHEN LOVE BEGINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with