^

PSN Showbiz

Aubrey umaming buntis!

-

Finally, umamin na si Aubrey Miles na buntis siya - magli-limang buwan na ang kanyang dinadala. Kahapon ay nagsalita na siya kay Mr. Boy Abunda sa The Buzz.

Ayon kay Aubrey, wala naman sa plano nilang itago ang kanyang pagbubuntis. Nasa plano raw ang lahat at matagal na itong gusto ni Troy Montero. In fact, nang malaman nilang buntis si Aubrey, tinawagan nila ang kani-kanilang pamilya at mga kaibigan.

Nagpaplano naman daw silang magpakasal pero palalakihin daw muna nila ang kanilang anak. Hindi pa nila alam ang gender ng baby - si Aubrey girl ang gusto, si Troy naman, baby boy ang wini-wish na maging anak nila ng aktres.

Tungkol naman sa issue na nahuli siyang nagko-cocaine sa parking area ng Embassy Bar kamakailan, ang sabi ni Aubrey: “Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang ganyang mga balita.”

“I bet my life, hindi ako nagda-drugs.

“Saka bakit ko naman gagawin na mag-cocaine. Hindi rin ako umiinom, nagwa-wine lang ako. Dun lang ako madaling malasing,” sabi ni Aubrey.

Nasa tabi ni Aubrey si Troy sa nasabing in­ter­view na kasabay ding naglihi ni Aubrey. Mang­gang hilaw daw ang madalas ding hanapin noon ni Troy.

Say pa ni Aubrey, binabantayan siya ni Troy so paano siyang makakalayas ng bahay. Kung umalis man daw siya minsan, nabo-bore daw siya.

Matagal-tagal na ring pinagpipiyestahan ang pagbubuntis pero never siyang nagsalita. -SVA

vuukle comment

AUBREY

AUBREY MILES

CITY

EMBASSY BAR

MR. BOY ABUNDA

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with