^

PSN Showbiz

Judy Ann binigyan ng tribute sa ASAP minalasado naman

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Biktima ng networking ang isang magaling na singer-actress-comedienne at ang balita namin, tuma­taginting na P200,000 from her hard-earned money ang basta na lang nawala. Ang masakit sa tinu­tukoy namin ay kaibigan niya ang nasa likod ng networking at magalit man siya, mananaig pa rin ang pagiging magkaibigan nila.

Single mom pa naman ang singer-actress-comedienne at nakalaan sa future ng kanyang anak ang bawat perang kanyang kinikita. Wala pang balita kung anong hakbang ang kanyang gagawin para mabawi ang perang nawala sa kanya o kung mababawi pa.

Kung mababalitaan ninyong work-to-death na naman ang singer-actress-comedienne at mag­mumukhang zombie na sa kawalan ng tulog, alam na ninyo ang rason.

* * *

Binigyan ng tribute ng ASAP  si Judy Ann San­tos kahapon at nagkaroon din siya ng chance na i-promote ang  Ploning. Maganda ang pre­sentation ng show kung saan, nabanggit ang mga naunang hit shows sa ABS-CBN ng actress.

Hindi lang nagustuhan ng fans ni Judy Ann na after her segment, ipinakita ang trailer ng  When Love Begins ng Star Cinema na sabay ang show­ing sa April 30, ng Ploning. Nag-react agad ang fans ng actress at inaalam din namin ang naging pakiramdam ng actress, but as we go to press, hindi pa sinagot ng friend naming close sa actress ang aming tanong.

Saka, dumeretso itong si Judy Ann sa  SOP para bumati nang personal kay Regine Velasque na last Sunday ang birthday celebration, pero sa Apr. 22, ang actual birthday.

* * *

Walang mai-comment si Anne Curtis sa sabay na showing ng  When Love Begins nila ni Aga Muhlach at  Ploning ni Judy Ann Santos. Sabagay, hindi nga naman sila ni Aga ang magdedesisyon sa playdate ng kanilang pelikula. Ang trabaho lang nila’y tapusin ang pelikula at i-promote ang ginagawa nila ng kapareha.

Ito palang si Anne ay hindi lang may pagnanasa kay Aga, fan din siya ng actor at nang tanungin namin kung anong favorite movie niya ng bagong leading man, binanggit ang  Bakit Labis Kitang Mahal (kinanta pa ang theme song),  Bagets, May Minamahal at Sana Maulit Muli.  Magaganda na’y, may kilig daw ang mga pelikula ng actor at wish nitong mapasama rin ang  When Love Begins sa mga mamahalin ng fans ni Aga.

May posibilidad bang ma-in-love siya kay Aga?

“Naah! Sa movie lang ako ma-i-in-love sa kanya, but in real life, crush ko siya for the last 10 years at hindi ko naman itinatago. Hindi ba’t 12 years old pa lang ako, dream leading man ko na siya,” pahayag ni Anne.

* * *

Hindi pa man tapos ang Joaquin Bordado,  may bagong offer na ang GMA-7 kay Kylie Padilla. Isasama siya sa  Asero ni Richard Gutierrez, bilang kapatid nito at hindi isa sa dalawang makaka-pareha ng actor.

Hindi pa nga lang pinipirmahan ni Robin Padilla ang ino-offer na kontrata ng Ch. 7. sa kanyang anak. Pinag-aaralan pa nito ang kontrata at gusto lang niyang makatiyak na after  Asero ay tuluy-tuloy ang magiging pagbi-build up sa anak na dapat lang naman, dahil malaki ang tsansa na sumikat ang bagets. Hindi lang maganda, mahusay pa sa fight scene at stunts at kita ang dedikasyon sa trabaho.

 

vuukle comment

JUDY ANN

LANG

WHEN LOVE BEGINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with