Papainit na Kamandag
Papainit na ang mga eksenang darating sa Kamandag ngayong mga darating na araw. Ang pagsugod ng mga ambog sa lupa at ang pagpatay nito sa mga tao ng walang awa ang siyang pinakamalaking problemang haharapin.
Si Vergel ay sasamahan si Alicia na pumunta ng
Akmang papatayin ni Lucero si Abdon dahil nalaman nito na ang kanyang ama pala ang nagpapatay kay Jenny, nang biglang sinabi ni Abdon na pwede silang magsimulang muli bilang mag-ama.
Si Doro ang haharap sa mga ambog. Sinabi ni Lily kay Boyong na hindi na si Kamandag ang kanyang Kuya Vergel kaya’t gulat na gulat itong tutulong sa kanyang ina na si Ragona.
Hindi naman makapaniwala si Dinggol nang makitang buhay si Ragona.
Sinabi ni Lily kay Gulag na siya ang pumatay kay Adlak at hindi si Vergel ngunit sinaksak pa rin ito ni Gulag nang walang patawad.
Sigaw nang sigaw sina Lily at Alicia. Patay na ang walang kapangyarihang si Vergel.
Nakipaglaban din naman si Ditas sa mga ambog. Nagpunta sina Ragona at Dinggol pati ang mga tauhan nito sa lupa. Magkikita na sila ng anak na si Boyong at magugulat ito sa balita ni Boyong na wala na nga si Vergel.
Tuluyan na bang mamamaalam si Vergel? Malalaman ang sagot tuwing gabi sa GMA Network.
- Latest