Mga buhay na binago ng Eat Bulaga
Halos tatlong dekada nang bahagi ng tanghalian ng mga Pinoy ang Eat Bulaga at naging noontime habit na ito ng ilang henerasyon. Bukod sa isang libo’t isang saya at aliw na hatid ng Eat Bulaga araw-araw, marami ring mga buhay ang nabago at napakarami nang mga pangarap ang binigyang katuparan ng longest running TV program na ito sa bansa.
Isa si Donnie Sacueza, contestant ng Kayang
“Mahigit P150,000 ang napanalunan ng film entry ko, na natapos ko dahil sa P20,000 na napanalunan ko sa Eat Bulaga,” sabi ni Sacueza. “Isang malaking blessing talaga sa akin ang Eat Bulaga. Maraming natutulungang mga tao ang Eat Bulaga sa paraang hindi nila alam at inaasahan. Hindi importante kung jackpot ang napanalunan mo o consolation prize – wala sa laki o liit ng napanalunan – dahil kahit ang pinakamaliit na premyo ay may nagagawa para baguhin ang buhay ng isang tao.”
Ang pagkapanalo sa Eat Bulaga ay malaki rin ang nagawa para sa asawa ni Celina Cuadra, na nanalo ng P120,000 sa Laban o Bawi. Dahil sa perang napanalunan ay nabigyang katuparan ni Celina ang matagal nang pangarap ng kaniyang asawa na makauwi sa kanilang probinsya at muling makita ang amang 25 taon na niyang hindi nakakapiling.
Si Annielou Doninia naman na nanalo rin ng P120,000 sa Laban o Bawi ay nagpapatunay na malayo talaga ang mararating ng biyayang ipinagkakaloob ng Eat Bulaga. Ginamit ni Annielou ang perang napanalunan para palaguin ang karinderya nila, at ngayon ay ipinagmamalaki niyang mayroon na silang catering service. Natustusan din ni Annielou ang pag-aaral nilang magkakapatid.
Ang mga ganitong kuwento ng tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa Eat Bulaga para lalong pagbutihin ang pagtulong sa mga tao. Dahil sa bawat pasasalamat na ipinaaabot ng mga taong natulungan ng Eat Bulaga, mas lalong pinaiigting ng programa ang pangakong maghatid ng pag-asa at magbukas ng pintuan ng oportunidad sa mas nakararaming mga Pilipino.
- Latest