^

PSN Showbiz

Malou Choa-Fagar: Pinatay sa text!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sure na lalong hahaba ang buhay ng Eat Bulaga big boss na si Ms. Malou Choa-Fagar.

Ang rason: Pinatay ba naman siya sa text message ng ilang taong personal ang galit sa kanya.

 As in, madaling araw na-forward ang nasabing message na ikinataranta ng mga kaibigan at kamag-anak, kasama na ang asawa ni Ms. Malou dahil isa ito sa unang nakatanggap ng message. Kaya ang husband pa raw ni Ms. Malou ang nagsabi mismo sa asawa.

Kahit naman sino ang makatanggap ng text message na ganun, magpa-panic eh madaling araw pa nag-text brigade.

Alam ni Ms. Malou kung sino ang source ng nasabing text message. Pero ayaw na lang pansinin ni Ms. Malou dahil maraming nakakaalam ng puno’t dulo ng kuwento.

Actually, isang kasamahan sa hanap-buhay ang source ng text na minsang bumisita sa shooting ng movie ng Comedy King Dolphy and Vic Sotto na hindi pala invited at sinabihan naman daw na iimbitahin na lang pag nagkaroon ng presscon. Pero hindi pala nagpapigil sa pagpunta sa shooting ang nasabing kolumnista at nagbitbit pa ng isa na ikina-shock ni Ms. Malou nang madatnan niya sa shooting ang dalawa.

Meron daw kasing publicists ang nasabing movie at may publicity plan sila na susundin. Kaya medyo nag-react si Ms. Malou.

Kaya lang ang the height imbes na “tamaan” ng konti ang dalawa sa pakiusap ni Ms. Malou, ang dalawa pa ang nagkuwento at pinalabas nilang masama ang ginawa ng big boss ng Eat Bulaga samantalang pakiusap naman ang sinabi sa kanila.

Hay naku, mabait din itong si Ms. Malou ha. Puwede namang pasulatan niya ang nasabing kolumnista sa kanyang abogado dahil sa ginawa nito, pero dedma na lang. Hurt lang siya dahil iba ang kuwento ng dalawang kolumnista na pinapatulan naman ng ibang kolumnista without asking kung totoo ang nangyari.

Hay!

* * *

Ano kayang magiging reaction ni Charlene Gonzales pag na-link sina Aga Muhlach at Anne Curtis na mag-partner sa latest offering ng Star Cinema and Viva Films, When Love Begins?

Hmmm, magselos kaya si Charlene?

Naku, I doubt it. Pero siyempre mag-iisip din ‘yun kung puwedeng ma-attract ang asawa niya kay Anne na sobrang sexy sa pelikula sa kanyang two piece bikini sa nasabing pelikula.

Eh may “mainit” na mga eksena pa naman daw ang dalawa na kinunan sa mainit na location, ang Boracay.

Matawagan nga si Charlene na abala naman sa taping ng kanyang programa sa QTV 11 na Proudly Pinay.

Anyway, going back to When Love Begins bibihira lang gumawa ng pelikula si Aga pero sinisiguro naman niyang maganda ang ginagawa niya.

Last movie niya ang A Love Story with Angelica Panganiban and Maricel Soriano na tumabo sa takilya at pinuri pa.

Ngayon, si Anne naman ang kasama niya.

In fairness to Aga, mga bagets ang mga nakaka-partner niya na bibihirang mangyari sa mga local actors natin. Asan na ba ang mga kasabayan niya noon, wa na. Father roles na ang ginagampanan.

Si Aga, pinag-aagawan pa ng mga movie produ.

Anyway, showing na sa April 30 ang When Love Begins

* * *

Hahataw na ngayong araw, April 14, ang nagbabalik Kapusong si Arnell Ignacio sa nagbabalik programang Gobingo na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes.

Mas malaki ang mga papremyo sa pagbabalik ng Gobingo. Sakaling hindi makuha ang jackpot prize sa isang episode, iro-roll over sa susunod na araw ang jackpot prize.

Mapapanood ito bago mag-24 Oras.

EAT BULAGA

KAYA

MALOU

MS. MALOU

NAMAN

WHEN LOVE BEGINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with