^

PSN Showbiz

Ledger gumamit ng droga sa party

-

LOS ANGELES –  Gumamit umano ng cocaine sa isang party bago namatay ang aktor na si Heath Ledger.

Ito ang lumalabas sa isang demandang isi­nampa kamakalawa ng isang babae sa Los Ange­les Superior Court laban sa isang photo agency at dalawang paparazzi na  kumuha ng larawan kay Ledger habang gumagamit ito ng cocaine sa isang kuwarto sa isang hotel.

Hindi binanggit sa ulat ang pangalan ng babae pero sinasabi umano niya na dalawang paparazzi ng Splash News ang nagbuyo kay Ledger na mag­tungo sa kanyang silid sa Chateau Marmont Hotel noong Enero 29, 2006.  Binigyan nila ng cocaine ang aktor bago nila ito lihim na kinunan ng video.

Nakatala lang sa court document ang babae bilang Jane Doe dahil natatakot siya sa magiging reaksyon ng publiko kapag nakilala siya.

Ayon kay  Douglas Johnson, abogado ng babae, ayaw ng kanyang kliyente ng publisidad sa demandang ito. “Anu’t anuman, humihingi siya ng danyos-pinsala sa paglapastangan sa kanyang privacy.”

Inirereklamo ng babae ang pagbebenta sa Led­ger tape dahil kinontrol ng mga nasasakdal nang wala niyang permiso ang kanyag silid sa hotel na siya ang nagbayad. Nasira anya ang reputasyon niya sa lumabas na video footage.

Ang 28 anyos na si Ledger  na nakilala sa mga pelikulang Brokeback Mountain at  Dark Knight ay na­ma­tay sa kanyang Manhattan apartment noong Enero 22 dahil sa paggamit ng anim na klase ng painkiller at sedative.

BROKEBACK MOUNTAIN

CHATEAU MARMONT HOTEL

DARK KNIGHT

DOUGLAS JOHNSON

ENERO

HEATH LEDGER

JANE DOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with