^

PSN Showbiz

SIGNOS parating na

-

Muli na namang magmamarka ang GMA News and Public Affairs sa kasaysayan ng broadcasting sa pamamagitan ng paghahatid ng SIGNOS: Banta ng Nagbabagong Klima. 

Nilalayon ng espes­yal na palabas na itong gawing makabuluhan ang diskurso ukol sa unibersal na isyung madalas makaligtaan ng gawi ng lipunan. Hatid ito ng GMA News and Public Affairs upang magpagtuunan ng pansin ang luma­lalang tawag ng climate change.

Sa ngayon, unti-unti nang nararamdaman ang dulot ng climate change dahil maging ang Pilipinas ay direktang natatamaan ng global phenomenon na ito.

Sa Bicol at El Nido, patuloy na lumalala ang tangka sa biodiversity dahil sa coral bleaching. Nagkakaroon tuloy ng migratory pattern ang un­derwater life sa mga nasabing lugar. Sa Ca­ga­yan, isang area ang ma­lub­hang tinama­an ng snail fever, samantalang sa General Nakkar, nag­ka­kasakit ang mga Aeta ng malaria.

Maging ang mga ma­lalakas na bagyong Reming at Milenyo ay pinaniniwalaang dulot ng climate change. At da­hil maraming coast areas ang Pilipinas, malaki ang posibilidad na tumaas ng isang metro ang sea-level dito.

Huwag palampasin ang full-length docu­men­tary na SIGNOS: Banta ng Nagba­ba­gong Klima, eere sa Abril 20 pag­ka­tapos ng Full Haus.

BANTA

EL NIDO

FULL HAUS

GENERAL NAKKAR

NAGBABAGONG KLIMA

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

PILIPINAS

SA BICOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with