^

PSN Showbiz

Iwa Moto: taga-salo na lang!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Si Lea Salonga pa lang ang humarap sa press para i-promote ang Cinderella, ang Broadway musical na kanyang pagbibidahan. Hindi pa dumating si Peter Saide, ang Australian actor na gaganap na kanyang Prince Charming sa musical. Sa litrato pa lang, guwapo na ang actor at sabi ni Lea, unang kita pa lang nila (ni direk Bobby Garcia siguro), alam na nilang bagay ito sa role na ibinigay sa kanya.

Peter Saide’s from Brisbane, Australia at lumabas na Tony sa Saturday Night Fever, Hey, Mr. Producer!  ni Sir Cameron Mackintosh at principal vocalist sa  Masquerade ni Sir Andrew Lloyd Webber.

Nakuwento ni Lea na in-offer sa kanya ang Cinderella ng Broad­way Asia Enter­tainment habang buntis pa siya sa baby niyang si Nicole Beverly, na ngayon ay magtu-two years old na.

Ang brother ni Lea na si Gerard Salonga ang chief conductor ng musical at si Bobby Garcia ang director.

* * *

Biniro ng press si Anne Curtis na matagal na palang pinagnanasaan si Aga Muhlach, sa inamin sa presscon ng When Love Begins na 12 years old pa lang siya ay dream na niyang makapareha ang actor. Natupad ito sa Star Cinema at Viva Films.

Tension ang naram­daman ni Anne sa first shooting day nila ni Aga, dahil sa status ng actor. Agad lang naalis ang kaba niya’t mabait ang actor and she was advised to just relax and enjoy the movie. Ito rin ang payo ni direk Joey Reyes, kaya nag-enjoy siya sa shooting.

* * *

Magkamukha at magka-level kaya sa pag-arte sina Iwa Moto at Cristine Reyes? Kaya namin ito nai­tanong dahil si Iwa ang tagasalo sa mga project na inayawan ni Cristine sa GMA 7.

Napunta kay Iwa ang role ni Dianne sa Joaquin Bordado na unang in-offer kay Cris­tine at  Magdusa Ka, na hindi na magawa ng huli, dahil lumipat na ito sa ABS-CBN. Kaya, hindi na raw patatagalin ang character ni Iwa sa  JB dahil magti-taping na siya ng MK.

AGA MUHLACH

ANNE CURTIS

ASIA ENTER

BOBBY GARCIA

CRISTINE REYES

PETER SAIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with