^

PSN Showbiz

‘I am not threatened by him’ – Aga

- Veronica R. Samio -

May nagtanong kay Aga Muhlach kung hindi ba siya nati-threaten sa pagdating ng bansa ni Gabby Concepcion, hindi ba siya nangangamba na ang mga roles na dapat sa kanya ay maagaw pa? Magaling ding aktor ang balikbayang artista  at kahit may pitong taon ang tanda nito kay Aga ay hindi naman halata, parang magkasing-edad lang sila.

“I’m glad that he’s (Gabby) back. No, I am not threatened by him,” ang maagap na tugon ng guwapong aktor  na marami nang kasabayan ang ngayon ay gumaganap na ng father roles pero siya ay in demand pa ring leading man at pabata nang pabata ang kanyang nagiging leading lady.

Tulad ni Anne Curtis na siyang kapareha niya sa When Love Begins ni Jose Javier Reyes. At hindi sila basta magka-partner lamang, lovers sila sa nasabing movie na isang love story at mayro’ng maraming love scenes kaya makikita ang kaseksihan ng dalawa. The movie is a dream come true for Anne dahil ginagawa pa lamang niya ang Magic Kingdom ay sinabi na niya na gusto   niyang makapareha si Aga.

“Pero na-tense ako nang maka-eksena ko na siya. Nanigas ako. We had to reshoot the scene. Buti na lang naintindihan ako ni Aga, kinausap niya ako and said na fun lang iyong ginagawa namin,” kwento ni Anne.

* * *

May bagong image na pino-project si Rachelle Ann Go sa kanyang bagong CD mula sa Viva Records na pinamagatang Rachelle Ann Rocks Live.

“Sana ma-appreciate ng tao ang pagiging rocker ko rito. Di lang damit ko ang nabago, pati rin yung dating ginagawa’t kinakanta ko,” sabi ng singer na halatang naka-move on na sa kanyang break up with Christian Bautista.

Thirteen songs ang nasa album, Honesty ng Harem Scarem ang unang release. Kasama rin ang mga kanta mula sa mga bandang REO Speedwagon, Blind Melon, Survivor, Bon Jovi, Aerosmith, Def Leppard atbp.

* * *

Mukhang maraming sosorpresahin si Melissa Ricks sa episode na gagampanan nila ni Matt Evans sa Your Song starting tomorrow, April l3, and will run for the whole month of April, featuring the song Sayang na Sayang. Napaka-mature ng role na na-assign sa kanya, bukod sa mabubuntis siya, first time niyang magpapakita ng katawan.

 “But, I’m not ready to pose for men’s magazines. Never ko ito gagawin,” sagot nito na tinukso namin ng tanong na: “Ready ka na bang mabuntis?”

“No! Pagdating ko siguro ng age 28. But I’m willing to play the role of a pregnant girl. As an actress, kailangan kong mag-grow,” wika ni Melissa.

* * *

[email protected]  

AGA MUHLACH

ANNE CURTIS

BLIND MELON

BON JOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with