^

PSN Showbiz

Jay Manalo nakapikunan ang mga bading na online gamers

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Nakakaaliw  panoorin sina chairman Edu Manzano at Pinky Webb sa Umagang Kay Ganda. Pino ang kanilang pagtutuksuhan, igagalang mo sila, pero alam mong hindi man sila diretsong umaamin ay meron silang espesyal na pagtitinginan.

Si Gabby dela Merced ang paksa nila kahapon nang umaga, sinabi ni Pinky na bukod sa maganda na ang dalaga ay magaling pang car racer, ayon kay Edu ay nakita niya si Gabby sa taping nila at medyo pumayat pero mas gumanda ang dalaga.

Pero may hirit dun si chairman, “Pero siyempre, mas maganda ka,” sabi niya. Alam naming natuwa si Pinky sa kanyang komento, pero ang ginawa nito ay nagbasa na lang ng balita, ginugulo ni Doods na si Pinky sa pagbabasa, kaya ang sabi ni Pinky, “Ang gulo mo!”

Cute ang dating sa manonood ng kanilang “paglalambingan,” alam mong iyon ang paraan ng pagpaparamdam nila ng pagmamahal sa isa’t isa, pero hindi sila nakakahilas panoorin.

Araw-araw naming nakakasama sa DZMM si Pinky, maraming may crush sa dalaga, napakaganda naman kasi nito lalo na sa malapitan.

* * *

Nakalulungkot  naman ang kuwento ng paghihiwalay nina Daddy Ike at Mommy Deanne Magdayao, magulang nina Vina Morales at Shaina Magdayao, nasubaybayan kasi namin  nung nagsisimula pa lang sa pag-aartista si Vina.

Ayon sa aming source ay wala sa Amerika si Mommy Deanne, nandito lang siya sa Pilipinas, nasa poder ni Daddy Ike si Shaina at dumadalaw-dalaw lang sa kanya ang mga bata.

Hindi namin alam ang puno’t dulo ng kuwento ng dahilan ng kanilang paghihiwalay, pero kumokontra ang isip namin na maniwala sa istoryang may iba nang mahal si Mommy Deanne, kung kailan pa ba naman naglakihan ang kanilang mga anak ay saka pa niya maiisipan ang ganun?

Mula nung bata pa si Vina ay nakikita na namin ang mag-asawa, ideyal ang kanilang pagsasama, dalawa silang nakasuporta sa career ng kanilang anak at buong-buo ang kanilang pamilya.

Nung mag-artista na si Shaina ay nakikita pa rin namin silang magkasama, todo rin ang suporta nila kay Bunso, pero nung mga nakararaang buwan ay hindi na uli namin sila nakitang magkasama.

Hanggang sa may makapagkuwento na nga sa amin ng pangyayari, nakalulungkot, dahil napakatagal nilang nagsama at nagmahalan pero sa ganito lang pala mauuwi ang lahat.

Sana’y maagapan pa ang problemang ito, sana’y magkapag-usap pa nang masinsinan ang nagkahiwalay na mag-asawa, dahil talagang nakapanghihinayang malaman na sa wala lang nauwi ang isang relasyong alam naman naming pareho nilang iningatan at inalagaan.

* * *

Idinenay  ni Jay Manalo ang akusasyon ng mga bading na nagpa-blotter sa kanya sa isang presinto kamakailan. Hindi raw totoong sinabihan niya ang mga bading na pagsususuntukin at pagbababarilin niya ang mga ito.

Ganito kasi ang kuwento ayon sa mga nasa online gaming nung gabing yun: “Naglalaro si Jay, naglalaro rin ang mga bading, 6.50 lang ang taya ng mga bading, pero kapag nananalo sila, tilian sila nang tilian!

“Ang iingay nila, sobrang ingay nila talaga. Hindi lang naman si Jay ang naiinis sa kanila, kami rin. So, ang sinabi lang sa kanila ni Jay, ‘Bawal ang maingay dito. Sa labas kayo mag-ingay.’ Walang sinabi si Jay na pagbababarilin sila, hindi rin sinabi ni Jay na pagsususuntukin sila. OA naman ang mga kuwento nila!” pahayag sa amin ni Froi.

Naniniwala kami sa kuwento ni Froi dahil ganundin ang kuwento sa amin ng iba pang mga nasa online gaming nung gabing ireklamo si Jay ng mga bading, nauna lang daw bumawal sa mga ito ang aktor, pero kahit sila’y naiinis na rin.

DADDY IKE

LANG

MOMMY DEANNE

PERO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with