Bagong TV ad ni Kris ‘di orig!
Seen: Pinag-uusapan ang umano’y pag-iyak ni Sharon Cuneta nang interbyuhin ito tungkol sa pagbabalik ni Gabby Concepcion sa Pilipinas. Napaiyak daw ang megastar pero sa kasamaang-palad, hindi mapapanood sa telebisyon ang eksena dahil sa pakiusap ni Sharon na i-edit ang kanyang pagluha.
Scene: Gabby, Gabby, Gabby! May “nakakauta factor” na si Gabby Concepcion na araw’t gabing laman ng mga news at showbiz program ha! Overexposed na tuloy siya.
Seen: Thirty five years old na si Diether Ocampo sa July 19, 2008. Hindi na bagay sa kanya na maglagay ng “streak” sa buhok niya. Sensitive si Diether kapag ang edad niya ang pinag-uusapan dahil gumagamit siya ng “screen age.”
Scene: Pinakawalan na ng Artist Center ng GMA 7 si Cristine Reyes. Maaaring naiinggit si Nadine Samonte dahil matagal na ang kanyang pagnanais na makawala sa Artist Center. Walang balak si Nadine na lumipat sa ibang TV network. Hindi lamang siya happy sa pagpapatakbo ng Artist Center sa kanyang career.
Seen: Conservative si Chris Tiu kaya hindi siya naghubad ng T-shirt sa TV commercial nila nina Will Devaughn at Derek Ramsay. Hindi lamang ang pagiging co-host ng Pinoy Records ang pinagkakaabalahan ng role model na basketball player. Management trainee rin siya sa isang malaking kompanya.
Scene: Pirated version ng TV commercial ni Nicole Kidman ang TV ad ni Kris Aquino para sa isang brand ng alcohol. Halos pareho ang concept at gown na ginamit nina Nicole at Kris. Unang nanggaya sa commercial at gown ni Nicole ang dating beauty queen na si Anna Theresa Licaros sa isang forgettable TV commercial.
- Latest