^

PSN Showbiz

Mommy ni Angelica Jones SINUNGALING?

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Nakarating  na kay Mommy Anette Taylor ang sagot ni Mommy Beth Jones tungkol sa kanyang rebelasyon. May kinalaman yun sa ilang piraso ng alahas na nagkakahalaga nang P400,000.00 na kinuha sa kanya nito nung 2006 pa, pero hanggang ngayo’y hindi pa binabayaran, kaya napuno na ang ina ni Maui Taylor.

 Ayon sa ina ni Angelica ay wala na raw itong pakialam sa mag-ina, lalong wala raw itong panahon para sagutin ang mga akusasyon ni Mommy Anette, ipinagpapasa-Diyos na lang daw nito ang lahat.

 Gagamitin lang daw kasi sila ni Mommy Anette at ni Maui, pero hindi raw nito sasa­gutin ang mga pahayag ni Mommy Anette, Diyos na raw ang bahala sa mag-ina.

Mahaba rin, pero napa­kalabo ng sagot ni Mommy Beth Jones. Lihis sa isyu ang balik nito, dahil wala itong bi­nang­git na anumang depensa tungkol sa mga alahas na sinisingil sa kanya ng mommy ni Maui.

 Ang inaasahan naming sagot ni Mommy Beth Jones ay diretso, hindi kaya nito kayang sabihin ang, “Wala akong kinuhang alahas sa kanya! Wala akong utang na dapat pagbayaran sa kanya!”

Pero walang ganun. Puro pangalan ng Diyos ang kanyang sinasabi, mabait daw ang Diyos sa kanila ni Angelica, kaya bahala na rin ang Diyos sa mag-inang Anette at Maui.

 Natatakot kayang magsalita si Mommy Beth dahil kumpleto ng ebidensiya si Mommy Anette? Nakita namin mismo ang mga papel de ahensiya na hawak ni Mommy Anette, kung ano ang mga piraso ng alahas na tinanggap sa kanya ni Mommy Beth ay yun din ang mga disenyong nakasulat sa papel de ahensiya, isinanla pala ni Mommy Beth ang mga alahas na kinuha nito sa ina ni Maui.

 Buhay na buhay rin ang isang nagngangalang Vince na pinagbayaran ni Mommy Beth ng nawawalang tseke ni Mommy Anette, pinalabas pa nitong may utang sa kanya si Maui, mabuti na lang at nagkaliwanagan si Mommy Anette at ang taong pinagpasahan-pinagbayaran ni Mommy Beth ng nawawala niyang tseke.

 “Imagine, dalawang beses ko siyang pinuntahan sa unit na tinitirhan nila sa Mandaluyong, halos itaktak pa niya ang bag niya sa harapan ko para lang makita ang check kong nawawala, yun pala, ipinambayad niya yun sa pinagkakautangan niya?

 “Hindi ba naman isang napakalaking kalokohan nun? Ipinakipadala ko lang sa kanya ang check para sa isang kaibigan ko, pero pinagwala-walaan niya, then, ipinambayad niya yun sa pagkakautang niya?

 “Sinabi ko dun sa tao na puwede niya akong idemanda kung gusto niya, pero meron akong hawak na document from the bank na naka-stop payment yun, dahil lost check nga.

 “Bakit hindi niya diretsong sabihin ngayon na wala siyang alahas na kinuha sa akin na tinanggap niya at pirmado niya? Bakit hindi siya dun sumentro, bakit puro pangalan ng Diyos ang sinasabi niya?” galit na pahayag ng ina ni Maui.

* * *

Tinanong namin si Mommy Anette kung ano ang naramdaman niya nung mabalitaan niyang nasunog ang unit ng mag-ina, “Kahit naman sino, may karapatang magbigay ng opinion tungkol sa maraming bagay. Ako, nung malaman ko ang news, ni hindi ko pinanood yun.

“Ang nasabi ko lang, hindi talaga natutulog ang nasa Itaas,” makahulugan niyang pahayag.

Ayon kina Mommy Beth at Angelica ay nabili na raw nila ang dalawang units na nasunog nga ang isa, pero isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabi sa amin na walang katotohanan yun, “Inuupahan lang nila yun at may utang pa sila kay Vince,” ayon sa aming source.

Nakakaloka si Mommy Jones, kung anu-anong kababalaghan ang nalalaman namin ngayon tungkol sa kanya, at sa lahat ng ito ay naaawa kami kay Angelica na mabait pa namang bata at talagang nagsisikap para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

“Hindi ako galit kay Angelica, wala siyang kasalanan sa akin, sa mommy niya ako galit, sinungaling ang mommy niya!” galit pa ring sabi ni Mommy Anette Taylor.

ANETTE

DIYOS

MOMMY

MOMMY ANETTE

MOMMY BETH

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with