Nancy Castiglione nagpalit ng pangalan
Seen: Ilang araw nang sarado ang mga sinehan sa Trinoma. Kung susumahin, milyung-milyong piso na ang nalulugi sa Trinoma Cinemas dahil may problema sa mga aircon unit nila. Pinili ng management na isara ang sinehan alang-alang sa kapakanan ng moviegoers.
Scene: May nag-leak sa press ng publicity photos para sa TV show nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Nilalait ang pictorial nila dahil hindi ito ginastusan. Hindi nagpunta sa tunay na beach ang cast ng TV show. Naghakot na lang ng buhangin at beach props ang production designer. Presto! Nakalikha sila ng fake na beach.
Seen: Rhian Ramos at photographer Jay Tablante sa isang coffee shop sa
Scene: Bumalik na sa bansa sina Ariel at Maverick ngunit walang balita kung nagawa nila na i-stalk si Paula Abdul ng American Idol nang magpunta sila sa Amerika upang kunan doon ang mga eksena ng kanilang pelikula na may mahaba at forgettable na pamagat.
Seen: Mike Tan sa isang computer shop sa QC. Inirereklamo ang sobrang ingay ni Mike habang naglalaro ng computer games. Kung ano ang ingay ng bibig ni Mike, nakabibingi ang katahimikan ng kanyang showbiz career. Help!
Scene: Pili ang mga miyembro ng media na pinapasok sa bahay ni Gabby Concepcion sa
Seen: Singer na si Nancy Castiglione. Positibo ang mga review sa kanta na ipino-promote niya. Nancy Jane ang ginagamit na pangalan ni Nancy. Hindi lamang ang pangalan ang pinalitan ni Nancy. Nagpalit na rin siya ng mukha na malayung-malayo sa kanyang dating itsura.
- Latest