^

PSN Showbiz

Alma Concepcion panay ang pakikipaglaplapan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa harap ni Reggee Bonoan nakaupo sina Alma Concepcion at date nito nang manood ng concert ng Toto sa Araneta Coliseum Friday night. Tinext ng friend naming halikan nang halikan sina Alma at date nito at maari raw nadala sa mga kinanta ng banda.

Iba ang puwesto namin at ‘di namin kita si Alma, kaya ang tanong namin ay kung sino ang ka-date ng actress? Non-showbiz guy daw at walang pakialam nga na hinahalikan ang ka-date kahit maraming tao sa Big Dome.

Kaya kami nagtanong, baka si Dodie Puno ang ka-date nito’t baka nagkabalikan na sila after maisyu ang guy kay Gretchen Barretto. Pero mukhang hiwalay na talaga ang dalawa.

Anyway, ang daming disappointed sa concert ng Toto at marami kaming nakitang nag-uwian at ‘di tinapos ang concert. Kaloka nga at ang hinihintay naming  Africa, hindi frontliner ng banda ang kumanta, ayun, palpak!

* * *

Nakakatawang magbasa ng comments ng Kapuso fans sa pagda-drop ng GMA Network kay Cristine Reyes sa list ng kanilang mga talents. Wala man lang nanghinayang at sa halip na “good luck,” “good riddance” ang farewell messages ng mga ito. Sana raw, ganoon ang gawin ng network sa iba pa nilang talents na magiging pasaway in the future. 

May nag-react pang bakit daw hindi napigil ni Dennis Trillo si Cristine na umalis sa GMA 7 at lumipat sa ABS-CBN. Pati sa viewers, hindi mailihim na may relasyon pa rin ang dalawa, kahit nali-link kay Willie Revillame ang young actress. At kahit itinanggi, naniniwala ang fans na siya ang kasama ni Dennis noong Holy Week sa Camsur Water Sports.

Ang maganda lang sa pagda-drop kay Cristine, magagawa na niya ang Eva Fonda 16 at makakapag-audition na ng todo ang ABS-CBN sa kanyang makaka-pareha. Inirekomenda ni Mariel Rodriguez ang boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na maging leading man ni Cristine at okey ito sa young actress. Tingnan natin kung may power mag-rekomenda si Mariel.

* * *

Ang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy ng Viva Films at hindi ang Dobol Trobol ang first movie ni Riza Santos at maganda ang role niya bilang kaagaw ni AiAi delas Alas kay Robin Padilla. Ilang araw lang nag-shooting ang dalaga, pero nakaranas din siya ng special treatment mula sa actor. Binigyan pa siya ng mga tips kung ano ang tamang diet at workout para pumayat at sinusunod niya ang payo nitong ang pag-akyat manaog sa hagdan ang best way to lose weight. Kumuha na rin siya ng personal trainer para ma-maintain ang slim figure.

May kissing scene si Riza kay Robin sa nasabing pelikula at kahit smack lang, ninerbiyos pa rin ng husto ang dalaga.

“Hindi ako sanay. I was so nervous and I closed my eyes. But Robin was so nice, naintindihan niya ako at nagpapasalamat ako sa kanya,” say ni Riza.

ALMA CONCEPCION

ANG IKAW PA RIN

ARANETA COLISEUM FRIDAY

BIG DOME

CRISTINE

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with