^

PSN Showbiz

KC at Sharon sangkot sa iskandalo ng Gucci gang?

- SEEN SCENE -

Seen: Ang kissing video nina Antoinette Taus at Dingdong Dantes sa YouTube. Palaisipan sa marami ang paglitaw sa YouTube ng kissing video  nina Dingdong at Antoinette dahil matagal na silang hiwalay.

Scene: Walang bago sa pag-e-emote ni Jessa Zaragoza laban kay Rufa Mae Quinto. Lalong walang bago sa naging sagot ni Rufa Mae Quinto. Parehong walang kuwentang pakinggan at panoorin.

Seen: Nakita sina Dennis Trillo at Cristine Reyes sa Bonifacio Heights noong Sabado ng gabi. Hindi natutuwa si Cristine kapag nasusulat ang mga date nila ni Dennis. Kung ayaw niyang malaman ng mga tao ang kanilang ginagawa, huwag silang magpakalat-kalat sa public places.

Scene: Ipinagtanggol na si Ira Eigenmann ng kanyang mga kapatid tungkol sa mga hubo’t hubad na larawan niya na ipinadala sa entertainment press. Isang tao na lang ang hindi nagtatanggol kay Ira at ito ay ang kanyang sarili.

Seen:  Isinasangkot ang pangalan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa eskandalo ng Gucci Gang.

Nakikita si KC na kasama ang ilang members nito. Hinihimok si Sharon na pagbawalan si KC na huwag sumama sa mga tao na maaaring maging bad influence sa kanyang anak. Ang Gucci Gang ang mga  “young socialite” na starring sa expose ni Brian Gorrell, ang Australyano na nagrereklamo na nakatikim ng pang-aapi mula sa Gucci Gang.

Scene: Positive ang feedback ng televiewers sa kuwento ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita at sa performance ng mga artista nito. Nagustuhan nila ang bagong primetime series ng GMA 7 sa kabila ng malayong kuwento nito sa movie version na tinampukan nina Sharon Cuneta at Hilda Koronel.

Seen: Halata sa mukha ni Jolina Magdangal na may tampo ito kay Gabby Concepcion dahil hindi natuloy ang pagtatambal nila sa pelikula. Iba ang facial expression ni Jolina sa mga salita na lumalabas mula sa kanyang bibig. Kung isasalang si Jolina sa lie-detector test, lie ang magiging resulta ng machine kung sasabihin niyang hindi masama ang kanyang loob sa nangyari.

vuukle comment

ANG GUCCI GANG

ANTOINETTE TAUS

GUCCI GANG

RUFA MAE QUINTO

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with