^

PSN Showbiz

Puwede na ang Gabby-Regine movie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Totoo ang kuwento ni Gabby Concepcion sa The Buzz na nagkita kami sa Las Vegas noong January 2006 at hiningan ko siya ng $100 bilang peace offering. Peace offering daw oh!

Ano ang ginawa ko sa datung? Eh di inilagay ko sa savings account ko sa bangko dahil hindi naman ako nag-shopping nang pumunta ako noon sa Las Vegas.

Ang dami-daming tumatawag sa akin para hingin ang opinyon ko tungkol sa pagbabalik ni Gabby. As if naman, hindi nila binabasa ang mga kolum ko dito sa PSN at PM.

Kapag sinasabi ko na natutuwa ako dahil nakauwi na si Gabby, may mga nagdududa sa statement ko. Nagpapaka-showbiz daw ako. Kung ayaw ninyong  maniwala, wala akong mgagawa.

Paulit-ulit ang mga tanong kaya para sa kumpletong detalye, read ninyo ang PSN at panoorin ang Startalk sa darating na Sabado.

* * *

May nagkuwento sa akin na si Gabby ang magiging leading man sa Betty La Fea ng ABS-CBN.

Kung natuloy ang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN at siya ang gumanap na Betty, tiyak na sila ni Gabby ang magkapareha.

Eh hindi pa nagkakasama sa project sina Gabby at Regine. Chance na sana ni Regine na makatrabaho si Gabby.

Malay natin, magkasama sila sa pelikula dahil sinabi ni Gabby na igagalang nito ang kontrata na pinirmahan niya sa GMA Films.

Talent ng GMA si Regine kaya hindi imposible na maging leading man niya sa pelikula si Gabby.

O ayan ha, binigyan ko na ng idea ang GMA Films. Puwede nilang i-push ang Regine-Gabby project, kapalit ng naudlot na pagtatambal sa pelikula nina Gabby at Jolina Magdangal.

* * *

Hindi pa pala nakakaalis papuntang London ang cast ng Care Giver dahil nagbakasyon pa sa Bangkok si Sharon Cuneta at ang pamilya nito.

Noong March 22 ang unang pralala ng pagpunta sa London ng mga artista at production staff ng Care Giver pero nagkaroon ng changes dahil ngayon sila aalis at babalik kaagad sa April 22.

Hindi na makaka-join si Sharon sa 23rd birthday ng anak na si KC sa April 7 dahil lilipad na siya sa London sa April 5.

Mukhang ang Care Giver ang pinakamagastos na pelikula ng Star Cinema para sa 2008 dahil mahal ang mga bilihin sa London ‘huh!

* * *

Siyempre, kasama sa mga pupunta sa London si John Estrada dahil siya ang leading man ni Sharon sa pelikula.

Natuloy ang pagbabakasyon ni John sa Malaysia, itsurang nagkaroon siya ng problema sa airport dahil sa bala na nakita sa kanyang backpack.

Ang mga litrato na kuha sa Malaysia na inilabas ni Lucy Torres-Gomez sa column nito sa Philippine Star noong Linggo ang ebidensya na hindi nabulilyaso ang pagbabakasyon ni John at ng kanyang girlfriend na si Priscilla Meirelles.

I’m sure, magiging maingat na si John sa biyahe niya sa London para hindi na maulit ang nangyari. Naniniwala ako na hindi alam ni John na may bala sa loob ng kanyang bag dahil knows niya na ipinagbabawal ‘yon sa mga pasahero ng eroplano.

CARE GIVER

CITY

DAHIL

GABBY

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with