Gabby ‘di puwedeng gumawa ng movie sa Star Cinema
Kung kinagat ng network ang asking price ng actor na P180,000 per taping day sa in-offer na teleserye, isa na siya sa highest paid actor on TV. Kahit sikat, hindi kinol ng executives ang hinihinging tf ng actor na sobra nga namang mataas, eh, hindi nga naman sure kung maghi-hit sa televiewers ang gagawin nitong serye sa kanila.
Ang balita namin, sa karibal na network na unang nilapitan ng actor sila nakikipag-usap ng kanyang manager ngayon. Kapag napanood namin ang actor sa nasabing network, ibig sabihin, ibinigay ang hinihingi nitong tf at baka mas mataas pa.
* * *
Hindi pa uli nagpi-presscon ang Manay Po 2: Overload, marami pa namang isyu kina John Prats at Polo Ravales na kailangan ng sagot. Baka ‘pag harap nila sa press, malamig na ang ulo ng huli at hindi nagalit sa nagkalat ng picture nila ni Jean Garcia.
Maganda rin sanang matanong si John kung totoong may balak siya o ang kanyang manager na ilipat siya sa GMA-7.
Sa shooting ng Regal movie, naikuwento raw nitong hindi pa siya nagre-renew ng contract sa ABS-CBN. Tapos may nagtsika sa aming dapat sabay sila ni Camille Prats na lilipat sa Ch. 7, pero ang kapatid lang ang natuloy. Mas maganda
Samantala, isa sa mga highlights ng MP 2 ang all-star cast musical number kung saan, naka-maternity dress sina John, Polo, at Jiro Manio habang kinakanta ang Jontis. Kinunan ni direk Joel Lamangan sa iba’t ibang location. May premiere night ang movie sa April 13 sa SM Megamall, bago ang regular showing sa April 16.
* * *
Sa pagbabalik ng bansa ni Gabby Concepcion, makipagkita kaya siya kina GMA Films President Annette Gozon-Abrogar at kay Mr. Jun Magdangal? Galit sa kanya ang ama ni Jolina Magdangal, dahil sa pagba-backout nito sa pelikulang co-producer ang mga Magdangal.
Sa presscon ng Pinoy Idol, maigting na, “Wala na akong pakialam sa kanya,” ang sagot nito sa mga nagtatanong tungkol sa actor. Nagpahayag din ng disappointment si Jolina sa ginawa ng actor na kung kailan magsisimula na ang shooting ay saka nag-backout.
Umaasa naman si Ms. Annette na tutuparin ni Gabby ang pinirmahang kontrata sa GMA Films. Sabi nito: “He signed a contract with us and we would like to think that he is a very honorable man to respect and fulfill his contract with us.”
Paano kung sa Star Cinema gumawa ng movie si Gabby?
“May provision sa contact niya that he can’t work with any film company until natapos niya ang movie sa amin. Tatakbo ‘yun from the start of the production up to three months after the theatrical exhibition of the movie. May option din sa contract niya na ang second movie niya is with us. He has full authority of the contract at walang involved na ibang tao roon,” pahayag ni Ms. Annette.
Ang ikinatutuwa lang ni Ms. Annette, open pa rin ang communication line nila with Gabby, nagti-text ito at nagbibigay ng update sa future plans niya nung nasa Amerika pa ito. Ngayong nasa bansa na ito, makipagkita at makipag-usap kaya ito sa kanya? Hindi sumama ang producer sa Italy sa shooting ng I.T.A.L.Y., kaya mahaharap niya ang actor pag ginustong makipag-usap sa kanya.
- Latest