^

PSN Showbiz

‘Sa mga nagawan ko ng kasalanan, nanghihingi ako ng tawad’ - Gabby

-

Balik-showbiz na si Gabby Concepcion. Kahapon, nagpa-interview na siya kay Mr. Boy Abunda sa The Buzz. Lahat nang issue tungkol sa kanya ay sinagot ng aktor na nawala sa bansa sa loob ng 13 years.

Well, guwapo pa rin siya. Pero mahahalata na sa pisngi niya ang mga linya, tanda na nagkaka-edad na. Actually, parang hindi siya nawala ng ganun katagal. Matatas pa rin siyang mag-Tagalog at parang walang pinagbago.

But anyway, sinagot niya ang issue tungkol sa aborted project sa GMA Films with Jolina Magdangal na naudlot dahil sa pagba-back out niya. Say ni Gabby, maging siya ay hinihintay niyang matuloy ang nasabing pelikula pero walang direktang sagot kung may pinirmahan nga siyang kontrata sa GMA  Films at kung tumanggap nga siya ng down payment. Nagkaroon daw ng conflict sa nasabing movie kaya hindi natuloy pero hindi raw niya tinatalikuran kung anuman ang commitment niya.

Tungkol sa pag-aartista ng anak nilang si KC Concepcion, wala raw problema sa kanya. Payag na payag siya sa mga ginagawa nito.

At tungkol naman sa kanila ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta, wala na raw silang dapat pag-usapan dahil nag-usap na sila sa telepono.

At sa tanong ni Mr. Boy Abunda kung may tampo pa ba sa kanya si Sharon: Wala na raw siyang alam. Basta nandito raw siya sa bansa at hindi pa niya alam ang mga plano though bago natapos ang programa, nagsalita na siya na magkakaroon siya ng teleserye sa ABS-CBN. Pero nanghingi siya ng tawad sa mga taong nagawan daw niya ng kasalanan noon.

Si Mrs. Rose Flaminiano ang tumatayong manager ng aktor sa kasalukuyan dahil ito ang nag-ayos ng lahat ng dokumento para makabalik siya ng bansa.

Tungkol naman sa kanila ni ‘Nay Lolit Solis, wala na raw silang tampuhan. Kung sabagay nabanggit na noon pa ni Nay Lolit na nag-usap na sila ni Gabby at kung anuman ang naging tampuhan nila noon, naayos yun nang magkita sila sa laban ni Manny Pacquiao.

Well, sana nga maging matagumpay ang pagbabalik ni Gabby sa showbiz. Makatulong sana siya para makabangon ang movie industry natin na madalang pa sa patak ng ulan ang mga pelikulang Tagalog na ipinalalabas.

CITY

GABBY CONCEPCION

JOLINA MAGDANGAL

MR. BOY ABUNDA

PLACE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with