^

PSN Showbiz

Gabby may advance payment na sa GMA Films

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Dumating kahapon si Gabby Concepcion sa bansa pagkatapos ng maraming taon.

Nagtataka lang ako kung bakit sa Channel 2 si Gabo unang lumabas. Kung saan may special interview pa siya sa The Buzz. Samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na pumirma na ito sa GMA 7.

At kung ang sinasabi ng ibang tao na kesyo sa GMA Films lang kuno siya pumirma.  Aba eh ang hina namang maka-pick –up ng tagapagtanggol ni Gabo. Dahil kahit sabihin mong ke mapa-GMA Films lang yan o mapa-TV o  anu pa man, ang punto rito ay sakop lahat ito ng GMA.

Kaso ang hindi alam ng nagha-handle sa kanyang si Rose Flaminiano na tumanggap na si Gabby ng advance payment na P1M sa GMA. Eh nagtataka lang ako kung bakit mas inuna pa niyang dalhin si Gabby sa ABS-CBN.

Hindi tuloy maitatago ang malaking galit ni Rose sa GMA nung minsang hindi siya mapagbigyan sa hinihingi nitong time slot nung isang taon.

Hayyyy, hindi dapat pinaiiral ang personal na galit pagdating sa trabaho.  Kundi ang tawag ng professionalism tsk tsk tsk. 

So malamang na ang pagkakaudlot din ng paggawa sana ng movie ni Gabby sa GMA Films eh may bahid din ng pagganti ng manager niya ngayon?

Sa dami ng mga aasikasuhin ni Gabby, dapat isa na rito ang masinsinan niyang pakikipag-usap sa GMA once and for all para maayos na ang lahat.

At maliwanagan na rin ang kung anu-anong ispekulasyon at nang hindi rin naman naiiwan sa ere ang mga taong umaasa sa kanya.

At para tuluyan na niyang malinis ang kanyang pangalan.

vuukle comment

DAHIL

GABBY CONCEPCION

GABO

GMA

ROSE FLAMINIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with