^

PSN Showbiz

Bakit walang trabaho si Cogie sa GMA 7?

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Kahit pa nagtitipa kami ng aming mga kolum, basta ipinalabas ang patalastas ng isang brand ng cream na ginagamit natin sa pag­gawa ng salad, ay talagang humihinto kami sa pagmamakinilya.

May mga patalastas sa telebisyon na sadya nating itinatangi, hindi namin malilimutan kung paano kami ginawang emosyonal ng isang commercial ng kilalang brand ng hamburger at fried chicken, tungkol iyon sa mag-asawang tumanda na silang dalawa na lang ang magkasama dito sa Pilipinas dahil ang kanilang mga anak ay nangibang-bansa nang lahat.

Nakakalungkot ang patalastas na yun, pero totoo, dahil kapag nagkaroon na ng kani-kanilang pamilya ang ating mga anak ay tayo na lang ang maiiwan na magkasama ng kapareha natin sa buhay.

Ngayon naman ay gustung-gusto namin ang patalastas ng isang cream, nagpunta ang isang babae sa puntod ng kanyang mahal sa buhay, iniwanan niya ang isang tupperware ng fruit salad sa mismong harapan ng puntod pagkatapos niyang magtulos ng kandila.

Mahaba ang biniyahe niya pauwi pero nung pumasok na siya sa kanyang bahay ay sinalubong siya nang malakas na hangin, pagtingin niya sa mesa ay nandun ang fruit salad na iniwanan niya sa puntod nung dumalaw siya.

Ang sabi, “Sana, _____ ang ginamit mo.”

Ang ganda-ganda ng insinwasyon, epektibo ang pag-eendorsong ginawa nila, kung ang mga patay na nga naman ay maselan pa rin sa lasa ay lalo na siyempre ang mga buhay pa.

Isang mahigpit na pakikipagkamay sa mga lalaki at babaeng bumuo sa ideyang ginagamit ngayon sa patalastas ng naturang cream na sa totoong buhay ay paborito rin naming gamitin.

Bumibili kami ng sariwang strawberry, isinasawsaw namin yun sa cream na binabanggit namin na patalastas, yun din ang cream na ginagamit namin sa paggawa ng salad.

Mabuhay kayo!

* * *

Dumating na kahapon ng madaling-araw mula sa halos tatlong linggo niyang bakasyon sa Amerika si Major Jude Estrada, Sa kanilang bahay sa Los Angeles siya nagtagal, dun din pansamantalang nakatira ngayon ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, kinukumpleto pa ni Daboy ang bagong proseso ng ga­mutan sa Amerika bago umuwi dito ang mag-asawa.

Sinuportahan din ni Jude ang kanyang kaibigang si Manny Pacquiao sa laban nito sa Mandalay Bay sa Las Vegas, magkakasama sila nina Jayke Joson, Cogie Domingo, Jonjie Martinez at iba pa naming mga kaibigang dun na naninirahan sa Amerika sa panonood ng matagumpay na laban ni Pacman.

Sa susunod na linggo pa uuwi si Cogie, nasa Lancaster ito ngayon ka­sama ang kanyang inang si Mommy Zennie, nung laban ni Pacman ay nagkita-kita pala ang mga ehekutibo ng Siyete at si Cogie sa Mandalay Bay.

Sabi raw ni Tita Wilma Galvante sa isang kasama nito, “Bigyan mo naman ng project si Cogie!” Oo raw naman ang sagot ng kausap ng bossing ng Siyete.

Nanghihinayang kami para kay Cogie, magaling itong umarte at kung kaguwapuhan naman ang pag-uusapan ay hindi ito magpapahuli, pero nilampasan na nga ito mga artistang kailan lang dumating sa network.

Maganda ang katawan ngayon ni Cogie, yun ang resulta ng kanyang pagdyi-gym, kahit si Senator Jinggoy Estrada nung magkasama sila sa LA ay nagtanong sa amin kung bakit daw walang trabaho si Cogie sa Siyete?

Sa totoo lang naman kami palagi, kaya ang balik-tanong namin sa senador, kailangang si Cogie ang kanyang tanungin kung bakit nga ba?

Basta nasa Amerika sina Senador Jinggoy at Jude at nasa Amerika rin si Cogie ay madalas silang magkakasama, tatawag sila sa amin kung kailan nakaere kami sa Showbiz Mismo, para lang mang-inggit na kumakain daw sila sa paborito naming Korean restaurant sa Los Angeles.

Gustong magpasalamat ni Major Jude kay Dr. Jun Berberabe, na puwedeng tumakbong mayor ng Las Vegas sa ganda ng pakikisama nito sa mga kapwa nating Pinoy dun, pero sa Batangas na nagki-clinic ngayon ang doktor dahil nandito na ang kanyang pamilya (si Dra. Jolet at ang kanilang kambal na anak), dahil sa masarap na pag-aasikaso sa kanilang grupo ng mabait na doktor.

AMERIKA

COGIE

LAS VEGAS

LOS ANGELES

SIYETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with