Kambal na biyaya
Sa wakas, natupad na rin ang wish ni Ms. Vicky Morales! Noong Miyerkules Santo, naging ganap na ina na ang fairy godmother ng Wish Ko Lang sa kambal na lalaking sina Leon Alfonso at Filippo Luis.
At dahil kambal ang biyayang dumating kay Vicky, may kambal na engrandeng handog din ang sikat niyang programa.
Samantala, ang dokumentaristang si Howie Severino at dating prinsesang si Ayen Munji Laurel ay tutulong sa Wish Ko Lang! na maghanap ng panibagong Good Samaritans.
Mula sa mala-palasyo niyang tahanan, tatahakin ni Ayen ang Divisoria para maging isang mambabatchoy. Sa kanyang pagbebenta ng patapong gulay, may mahanap kayang mabuting kalooban ang gusgusing prinpsesa?
Samantala, ang respetadong host ng I-Witness ay patatandain ng Wish Ko Lang! May tumulong kaya kay Lolo Howie na mag-iikot sa Maynila na wala ni piso sa bulsa?
Lahat nang yan sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado, 4.30 ng hapon sa GMA7.
- Latest