Rannie at Renz balik-eksena
Promise, talbog ang mga baguhang singer kina Rannie Raymundo at Renz Verano. Sobrang powerful ang boses nila. Sad lang bihira na natin silang makita samantalang ang daming singer diyan na ‘di makakanta, pero hanep ang exposure.
Kaya naman nang mag-collaborate sila para sa isang natatanging proyekto, maituturing na isang mahalagang event dahil matagal-tagal din silang namahinga sa paggawa ng kanta.
Sa pinagsama nilang talent, nabuo ang isang album na R&R Sessions (Rhythm and Rhyme) na masasabing malayo sa image na pino-project nila
Sa 12-cut album ay kapansin-pansin ang magandang kolaborasyon nila sa mga dueto nilang
At hanggang ngayon, tatak-kilabot ng kolehiyala naman ang hagod ni Rannie sa mga ballad songs na If I Could at Someone Like You, na siyang naging identity niya sa mundo ng musika. May espesyal na handog din sila para sa mga OFW - Uwi Na Ako na siguradong magpapa-antig ng damdamin ng mga makakarinig.
Iilan ang nakakaalam na malapit na magkaibigan ang dalawang ito na nagsosyo para maitayo ang digital recording studio na tinawag nilang BRATTRAX. Sa mga simpleng kuwentuhan at mga gimik sessions dito, nabuo ang R&R: sessions album na ngayon ay idi-distribute ng Viva Records.
Bahagi rin ng mga bagong ‘tira’ sa musika nina Renz at Rannie ang makadiskubre ng mga sariwang talino. Balak din nilang palawakin ang naturang recording studio upang sa malaon ay maging isang ganap na music production and distribution company.
Sa darating na Abril 26, at
- Latest