^

PSN Showbiz

Reklamo vs reklamo

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Mahigit na isang deka­da na naming kilalang-kilala ang mag-asawang James at Cesil Salas, sikat na sikat pa ang Universal Motion Dan­cers ay nakakasama na namin sila, kung ang pagkatao at kredibilidad nila ang pag-uusapan ay wala kaming kaduda-duda sa mag-asawa.

Nung nakaraang February 23 ay ipinalabas sa programang Imbes­tiga­dor ni Mr. Mike Enri­quez ang reklamo ng mga anak ni Rey “PJ” Abellana na sina Carla at Erika laban kina James at Cesil.

Napanood namin ang naturang episode, mas­ya­dong dramatized ang atake ng programa dahil ipinakita ang magkapatid na kasama ni PJ sa kanilang bahay, ang aktor pa ang nag-voice over ng istorya ng reklamo ng mga anak nito.

Ayon sa dalawang anak ng aktor ay pinagta­taguan daw sila nina James at Cesil, ni piso raw ay hindi sila binaya­ran ng mag-asawa sa mga ginawa nilang commercial endorse­ments sa ilalim ng agency nila, kaya napilitan na silang humingi ng tulong sa Imbestigador.

Laging tumatawag ang staff ng programa kina James at Cesil, iinterbyuhin daw sila ng programa, pero sa dami ng kanilang pag-uusap ay ayaw namang sabihin ng mga ito kung bakit at kung sino ang nagrereklamo laban sa kanila.

Huwebes nang uma­ga ay nagkausap sa telepono sina Mr. Enriquez at Cesil, ang mag­ka­­patid na Carla at Erika raw ang nagrerek­lamo laban sa kanila, sinabi niya na maaari nilang kasuhan ng breach of contract ang magka­patid dahil naturingang exclusive talents ng kanilang agency ang mga ito, pero gumawa naman ng TVC sa isang kum­pan­ya nang wala silang kaalam-alam.

Ikinuwento ni Cesil kay Mr. Enriquez ang buong kaganapan kung bakit hindi nila ibinigay ni James ang mga huling talent fee ng magkapatid, pero nasorpresa ang mag-asawa nung ipala­bas ang programa na wala man lang paliwanag na ginawa si Mr. Enriquez para sa kanilang panig, ang reklamo lang nina Carla at Erika ang binig­yan ng espasyo ng prog­rama.

 “Kinunan pa po nila ang dating office namin, two years ago pa po sara­do yun, kaya sino ang da­datnan nila sa office? Sabi po sa Imbestigador, pi­nag­­tataguan daw namin sina Carla at Erika, pero bakit nila kami nako-contact kung nagtatago pala kami?

 “Si Erika, madalas po siyang nagpupunta sa house namin dahil friend niya ang sister kong si Libay, lagi siyang nandun, ganun po ba ang pinagtataguan, nag­kikita-kita kami?” malungkot na pahayag ni Cesil Salas.

* * *

Inireklamo sila ng magkapatid sa NBI, pero nung March 12 ay binayaran na nina James at Cesil ang halagang hinahabol nina Carla at Erika, walang hilig sa gulo ang mag-asawa kaya tinapos na lang nila ang problema.

Hindi totoong kahit piso ay wala silang ibinayad sa magkapatid, may deposit slip silang hawak na nagpapatunay na may P45,000.00 na pumasok sa account ng mga ito.

Ang lahat ng detalyeng sinabi ni Cesil mismo kay Mr. Enriquez nung magkausap sila sa telepono ay hindi inilabas ng programa, pinalabas silang masa­samang tao na nagtatago sa kanilang obligasyon, samantalang regular na nakikita sa mundo ng showbiz ang mag-asawa.

 Sana man lang, kahit ilang sentences lang, nagbigay sila ng chance para sa amin. I told him the story when he called me, he even said na bukas ang kanilang programa para sa side namin, pero bakit ganun ang lumabas?

 “Puro nagtatago raw kami ang laman ng show, pinagtataguan daw namin sina Carla at Erika, kung nagtatago talaga kami ni James, bakit nila kami nakakausap?” himutok ni Cesil sa programa.

Inalagaang parang hindi na iba nina James at Cesil ang magkapatid, pero sa ganun lang na dahilan ay inireklamo pa sila ng mga ito, nagkikita-kita naman sila at walang nagtatago pero sinira nina Carla at Erika ang kanilang pangalan sa publiko.

Nakakaalarma ang ganun, baka mag-isip tuloy ang ibang mga ahensiya ngayon na huwag nang kunin ang kanilang serbisyo, dahil sa konting problema lang pala ay maaari nang magsumbong ang magkapatid sa mga programa sa telebisyon para magtagpi-tagpi ng mga kuwento.

Mabuti na lang at maraming mas nakakakilala sa pagkatao ng mag-asawang James at Cesil, hindi sila naging problema ng kahit sinong makatrabaho nila, ang totoo ay ang mag-asawa pa nga ang madalas na naiisahan dahil sa sobra nilang kabaitan.

CARLA

CESIL

MAG

MR. ENRIQUEZ

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with