Vhong ‘ayaw’ sundan ang yapak ni Dolphy
Pinanindigan talaga ni Vhong Navarro na walang nangyaring ligawan sa kanila ni Valerie Concepcion habang sino-shooting nila ang Supah Papalicious. “Hindi ko po talaga siya niligawan. Marami pa siyang kailangang ayusin at marami rin siyang pinagdaanan kaya ngayon ay naka-focus siya sa kanyang work. Alam ko yun dahil nagkukuwentuhan kami sa shooting,” sabi ni Vhong nang maka-tsikahan namin kahapon.
Marami kasing namimilit na pinormahan niya si Valerie dahil kung sakali nga namang magkatuluyan sila, one happy familly agad sila dahil siya (Vhong) may dalawang anak na lalaki habang si Valerie ay isang dalagang ina sa three year old daughter. Kaya kumpleto agad.
Kung sabagay, hindi talaga puwedeng manligaw si Vhong dahil alam naman nating lahat na si Desiree del Valle ang ka-on ngayon na nang tanungin kung ilang taon na sila ng actress ay three years na ang sagot niya. Pero ayaw pag-usapan ni Vhong si Desiree dahil laging ang rason niya, on going pa ang annulment nila ng ex-wife niyang si Bianca Lapuz.
Anyway, siguradong maraming nai-insecure ngayon kay Vhong. Sa rami nga naman ng batang komedyante sa bakuran ng ABS-CBN, siya ang hindi nawawalan ng pelikula. “Siguro lang po, maraming blessings ang dumarating sa akin,” sabi pa ng komedyante na hataw din pagdating sa sayawan.
Besides, marunong daw kasi siyang tumanaw ng utang na loob, may disiplina sa sarili at walang kahit anong bisyo.
Idol niya siya Dolphy pagdating sa pagpapatawa pero ayaw niyang magkaroon ng maraming anak dahil baka raw hindi niya kayaning buhayin tulad ni Tito Dolphy.
At kasama na sa idol niya sa foreign sina Jim Carrey at Adams Sandler.
Anyway, hindi naman talaga maikakailang grabe ang impact na ibinibigay niya sa mga roles na ginagampanan niya sa telebisyon at pelikula. From Mr. Suave, D Anothers, Lastikman, at ngayon nga ay ang Supah Papalicious!
Si Direk Gilbert Perez ang nagdirek ng Supah Papalicious at showing na ito next week from Star Cinema. (SVA)
- Latest