^

PSN Showbiz

‘Pls pray for my good health and safe pregnancy’ - Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nai-forward sa amin ang K-text ni Kris Aquino sa kanyang fans at ibinalita nitong kahapon, March 12, ang check-up niya sa OB-Gyne niyang si Dr. Greg Pastorfide. Ten days na raw siyang delayed, pero kailangang makumpirma ng kanyang doctor at kapag may sac na at heartbeat na na-detect, buntis nga siya.

Tinapos ni Kris ang kanyang K-text sa message na “Pls. pray for my good health and safe pregnancy.” By now, alam na ang totoong kondisyon ng TV host-actress at hintayin nating siya mismo ang mag-announce nito sa Boy & Kris at Wheel of Fortune.

Kung positibong buntis si Kris at baby girl ang ipinagbubuntis, magagamit na nito ang matagal nang inihandang baby girl’s name na SKY o Samantha Kristina Yap. Galing sa bakasyon sa Thailand sina Kris at asawang si James Yap, pero bago pa man umalis, nabalita nang preggy siya.

* * *

Presscon mamaya ng Manay Po 2: Overload  ng Regal Entertainment,  pero mag-expect na si Polo Ravales na puro tungkol sa kanila ni Jean Garcia ang uusisain ng press, kahit wala ang actress sa cast ng movie. Involved din siya kahit papaano, dahil noong sinu-shooting ito, malapit sa bahay niya ang bahay na ginamit nina Polo at tuwing natatapos ang mga eksena nito, sa halip na umuwi, dumadaan muna sa bahay ni Jean.

Ang alibi ni Polo, friendship visit lang ang kanyang ginawa at kinukumusta si Jean na para bang hindi sila nagkikita at nagkakausap sa phone. Hindi na niya kailangang dalawin sa bahay ang actress, dahil nagsu-shooting na sila ng Love Is All That Matters ng Regal din. True-to-life ang role na kanilang ginagampanan at ito’y ang pagkakaroon ng May-December affair, kaya hindi na sila mahihirapang mag-internalize.

Sa first shooting, sumabak agad sina Jean at Polo sa matinding halikan na naging daan para tuksuhin sila ng mga tao sa set. Marami pa raw kissing scene na gagawin ang dalawa at ‘di kami magugulat kung hindi pa man tapos ang shooting ay aminin nilang couple na sila.

Si Sid Lucero at hindi na si Luis Alandy ang gay partner ni Polo sa Manay Po 2. Tiyak na matatanong ang actor kung sino kina Sid at Luis ang mas masarap kahalikan. Remember, nag-backout si Luis sa movie, dahil feeling nabale-wala siya sa billing ng Desperadas.

* * *

Sumikat din sa Marimar si Sheena Halili, gumaganap na bobitang si Monica na kaibigan ni Katrina Halili. BM o Before Marimar ‘pag nakita siya ng fans, kinakawayan lang at ang iba’y kilala siyang ex-girlfriend ni Rainer Castillo, pero ngayon, pangalan sa tele-novela na ang tawag sa kanya at marami na ang pumapansin sa kanya.

Ayaw ng intriga ni Sheena, kaya ‘di sinagot ang tanong kung naniniwala siyang mas may career siya ngayon kesa kay Rainier? No offense meant sa actor, mukhang totoo ito, dahil oo nga’t nasa Kamandag siya, pero unggoy ang role. Samantalang si Sheena, kasama raw sa Dyesebel at nasa cast pa ng Regal movie na Love Is All That Matters. 

Napilit naming umamin si Sheena na pinagselosan niya ang love team noon nina Rainier at Yasmien Kurdi at dahil dun, months lang tumagal ang kanilang relasyon. Nali-link siya ngayon kay Arthur Solinap (asawa niya sa Marimar), pero ‘di ito nanliligaw sa kanya at tinutukso lang sila ng mga kasama nila sa show.

ARTHUR SOLINAP

BEFORE MARIMAR

LOVE IS ALL THAT MATTERS

MANAY PO

SHEENA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with