Charlene at Aga referee sa salpukang Lani at Annabelle
Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nang nasa
Since andun na rin lang sila, siguradong magkikita-kita sila doon nila Lani Mercado, Bong Revilla at mag-asawa ring Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. At ang bilin daw ni Bong, tawagan siya nila Aga at Charlene pagdating sa Amerika para magsilbing referee in case na magkaroon ng encounter sina Lani at Tita Annabelle. Tawa lang ang sagot ni Charlene nang banggitin ni TIta Ethel (Ramos) ang nasabing bilin ni Sen. Bong.
Anyway, going back to kambal, magaling na rin daw mag-piano ang dalawa. Pero feeling ni Charlene, mas may interes sa piano si Atasha more than Andres na mas hilig daw magsayaw. In fact today sa kanilang graduation sa prep, magpi-play ng piano si Atasha at sasayaw si Andres.
Three years old pa lang daw ay nag-start nang mag-aral ng piano ang dalawa. “Kaya kahit nakapikit si Atasha, kaya na niyang mag-play ng piano,” kuwento ng proud mama na si Charlene.
Frustration daw kasi niya (Charlene) ang mag-play ng piano kaya excited siya for Atasha.
Anyway, two weeks silang magi-stay sa Amerika. Pero mas mauunang bumalik si Aga dahil may shooting and taping ito. Five days lang daw itong tatagal doon.
To date ayaw muna niyang mag-comment sa ibang offer ng QTV or ng sister company nitong GMA 7. Sa QTV muna raw siya - Proudly Filipina. Ayaw muna niyang mag-comment tungkol sa offer ng GMA 7 dahil kailangan pa raw niyang magpaalam kay Aga kung tatanggap siya ng trabaho. “Depende pa kung anong project. Saka kailangang magpaalam ako kay Aga. Meron kasi kaming agreement na isa sa amin ang kailangang mag-lie low sa work. And being head of the family, si Aga ang active sa work,” say ni Mrs. Muhlach na parang hindi tumataba at pang-beauty queen pa rin ang katawan.
Besides, gusto muna raw niyang mag-concentrate sa Proudly Filipina dahil nagi-enjoy siya. Marami raw kasi siyang natutuhan especially meron siyang freedom na itanong sa kanyang guest mga bagay na hindi niya nagawa
Wala naman daw problema sa ABS-CBN nang magpaalam siya kaya hindi siya dapat intrigahin kung lumalabas man siya sa mga shows ng GMA 7 na ang latest ay sa Binibining Pilipinas. Kaya nga tinatanong siya kung anong comment sa nangyari sa nanalong Ms. World na si Janina San Miguel na palpak ang sagot sa question and answer portion. “I think she was so nervous,” react lang ni Charlene who was there as host ng pageant.
At any rate, tomorrow, Thursday sila naka-schedule umalis.
Nakapag-advance taping na rin siya for Proudly Filipina na mapapanood every Friday at si Sen. Pia Cayetano ang guest niya this Friday. (SVA)
- Latest