^

PSN Showbiz

Laban ni Pacman dadagsain ng magkakaibigan, magkakaaway

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Nasa Amerika na ngayon sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, umalis naman nung Lunes nang gabi si Major Jude Estrada, sa bahay ng mga Estrada sa Los Angeles pansamantalang tumitira ang mag-asawa.

Nandun na rin ngayon sina Senador Bong Revilla at Lani Mercado, ilang araw mula ngayon ay paalis din sina Tito Eddie Gutierrez at Tita Annabelle Rama, isa lang ang dahilan kung bakit sila magtitipon-tipon sa Amerika,  para panoorin ang laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas kontra kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Palaging ganun kapag lumalaban si Pacman, maraming kilalang personalidad dito sa ating bayan ang sumusuporta sa kanya, mga artista at pulitiko at mga negosyanteng kayang-kayang gumastos nang malaki para lang masaksihan ang laban ng ating Pambansang Kamao.

Sana nga’y magkita sina Senador Bong at Lani at Tito Eddie at Tita Annabelle sa Las Vegas, magkatitigan sana sila, na ang katapusan ay ang kanilang pagkakasundo na.

Tutal naman ay nasabi na nila ang mga dapat nilang sabihin, tutal naman ay nanghingi na ng dispensa sa isa’t isa sina Lani at Ruffa Gutierrez, tutal naman ay pare-pareho silang nanghihinayang sa matagal na nilang pagkakaibigan.

Mabilis lang naman ang transisyon ng mga isyung-showbiz ngayon, napakabilis umangat at bumagsak ng ingay, magtatagal lang yun nang ilang araw at pagkatapos ay iba na namang isyu ang pagpipistahan.

* * *

Ang pinagpipistahan naman ngayon ay ang inabot na sobrang kahihiyan ng contestant at nanalong Bb. Pilipinas-World na si Janina Miller San Miguel nung Sabado nang gabi sa Araneta Coliseum.

Nagkalat ang dalaga sa question and answer portion, nasa You Tube na ngayon ang naturang eksena, ang ibang kakilala nami’y ganun na ang ginagamit na ring back tone ngayon.

Nawindang ang lahat sa mga isinagot ni Janina, “I came from the TOF ten,” sabi pa ng kalahok, na malapit nang ikabagsak sa upuan ng manonood nung gabing yun.

Kung bakit naman kasi hindi na lang sila sumagot sa Pilipino o sa Tagalog, samantalang mga Pinoy naman tayo at hindi Amerikano, tuloy ay nagkakaganyan ang mga kalahok sa beauty pageant.

Literal na nilapastangan ni Janina ang lengguwahe ni Uncle Sam, meron pa siyang P & F syndrome, habambuhay niyang maaalala ang kahiya-hiyang gabing yun sa kanyang buhay bilang contestant.

Pero sa kabila ng kanyang mga bloopers ay nanalo pa rin si Janina, siya ang kinatawan ng ating bayan sa darating na Miss World, kung bakit at paano naganap yun ay tanging ang Bb. Pilipinas Charities lang ang nakakaalam.

* * *

Madalas  na nasa Iba, Zambales ngayon si Enrico Roque ng Bodega Ng Bayan at Bodega 99 dahil sa bagong resort na ipinatayo niya dun, ang Tampisaw Resort na matatagpuan sa Lipay Dingin, Iba, Zambales.

Bagung-bago lang ang resort na ito, katatapos lang, naihabol ni Enrico sa pagbabakasyon ng ating mga kababayan ngayong darating na Semana Santa ang Tampisaw Resort.

Nakita na namin ang mga retrato ng Tampisaw Resort, napakaganda ng pagkakagawa nito (personal itong pinamahalaan ni Enrico na isang engineer), ang likuran ng Tampisaw ay mismong beach na.

Meron siyang Enrico’s Grille sa West Avenue, nag-train pa siya ng ilang chef, yun ang mga mamamahala sa Tampisaw resort para maging kumpleto ang pagbabakasyon ng ating mga kababayan dun.

Maganda ang land­-scape ng Tampisaw Resort, may labing-isang kuwarto silang aircon­ditioned at napakarami ring ipinatayong kubo ni Enrico sa palibot ng malawak na bakuran, kilala namin kung paano rumespeto ang negosyanteng ito sa kanyang mga kliyente kaya parang nakikinita na namin ngayon kung gaano kaganda ang Tampisaw Resort.

Para sa mga gusto pang humabol ng booking sa Tampisaw Resort, pakitawagan po si Mhar Obispo sa cellphone number 0919-5896146.

Maligayang bati kay Enrico Roque sa patuloy na paglawak ng kanyang mga negosyo.

vuukle comment

ENRICO

ENRICO ROQUE

JANINA

NGAYON

RESORT

TAMPISAW RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with