Snooky sawa nang mag-inarte
Happy naman ako dahil parang nalampasan na ni Snooky ang mga unos na sabay-sabay yatang dumating sa kanyang buhay.
Ngayon ay tahimik itong nabubuhay na masaya kahit parang nagsisimula siyang muli, dahil kasama niya ang kanyang dalawang anak. Isinaisantabi muna niya ang mga bagay na may kinalaman sa kanang puso at naka-focus ngayon sa kanyang career.
“Nabigyan na ako ng second chance, sisirain ko pa ba naman muli ang pagtitiwalang ibinigay sa akin ng GMA7? Matanda na ako para mag-inarte. What I want to lent. Mabubuhay ko ng maganda ang mga anak ko kapag hindi ako nag-inarte. Di ko kailangang maawa pa, magagalit si Lord dahil binigyan nga niya ako ng talent na maaari kong gamitin,” sabi ng napakaganda pa ring artista na kasama sa Kaputol ng Isang Awit bilang ina nina Lovi Poe at Glaiza de Castro.
* * *
Salamat naman at tinatanggap si Rayver Cruz bilang bagong ka-loveteam ni Maja
* * *
Buti naman at may album si Maegan, anak ni Ka Freddie Aguilar, sa Dyna. Isa si Maegan sa pinaka-talented na batang nakita ko. Sayang nga lamang at hindi kasing-suwerte ng kanyang ama.
Matagal na ring wala sa eksena si Maegan although hindi naman pala ito tumigil sa pagkanta. With her new album madalas na naman natin siyang makikita.
May suggestion ako kay Ka Fredidie. Kung talagang gusto mong itulak ang career ng anak mo, bakit hindi mo ipa-revive sa kanya ang mga kanta mo? Bagay sa kanya ang Anak o maski na yung Bulag Pipi at Bingi. I’m sure mabu-boost ang career niya.
- Latest