^

PSN Showbiz

Makisig nanliligaw na

- Emy Abuan Bautista -

Matagal naming nakakuwentuhan si Makisig Morales sa presscon ng Supah Papalicious at malayo na ang narating niya. Una namin siyang nainterbyu noon at wala pang naipupundar na gamit pero ngayon, dalawa na ang sasakyan niya—isang Nissan Sentra at Starex van.

May bago na rin itong bahay bukod dun sa tinitirhan nila sa San Mateo, Rizal.

Inamin niyang may nililigawan siyang magandang dalagita na ang tawag niya ay Babes. Ito ay si Katrin Bernardo na taga-Talent Center na nakasama niya sa Super Inggo. Noong Valentine’s Day ay pinadalhan niya ito ng tsokolate at roses kaya lang dalawa lang ito. Dalawang taon na niya itong nililigawan at nagte-text sila at naga-ice skating sa Mall of Asia.

Natutuwa si Makisig dahil marami daw values na matututunan sa bago niyang pelikulang Supah Papalicious laluna kung paano respetuhin ang magulang kaya angkop sa mga bata.

Palabas na ito sa March 22 sa direksiyon ni Gilbert Perez.

* * *

Ayon kay Valerie Concepcion, okey lang sa kanya na gampanan ang papel bilang ina ni Makisig Morales sa said movie.  Kahit mature role ang ginampanan ay enjoy naman siya. First time niyang gumawa ng ganitong kalaking pelikula at nagkaroon ng pagkakataong maging leading lady ni Vhong Navarro.

Nang tanungin tungkol sa anak ay sinabi nito na sa ngayon ay ang daddy niya ang kinikilala nitong ama pero kapag hindi nag-effort ang nakabuntis sa kanya ay hihintayin niya ang tamang panahon para ipaliwanag sa bata kung sino ang tunay nitong ama. Si Val ang breadwinner ng pamilya at kayang panindigan ang responsibilidad sa anak na ipinagkatiwala ng ama nito.

* * *

Humirit sa takilya ang My Big Love kaya tuwang-tuwa ang mga taga-Star Cinema gayundin ang mga bida na sina Toni Gonzaga, Kristine Hermosa at Sam Milby.

Sa loob ng mahigit isang linggo ay kumita na ang pelikula nang mahigit P50 million sa box-office na isang pagpapatunay kung gaano kalaking suporta ang binigay ng fans sa tatlong bida. Ito’y indikasyon na ang pelikula ay tamang-tama para sa buong pamilya.

* * *

Papasok na ang summer kaya marami na namang artista ang darayo sa Boracay. Taun-taon ay paboritong resort na pag-aari ng aming kaibigan ang tinutuluyan ng isang sikat na aktres.

“Inirereklamo siya ng mga katabing kuwarto dahil napakalakas ng boses kapag nakikipagkuwentuhan at malakas ding humalakhak. Parang tumatawag ng atensyon,” anang may-ari.

Sana raw ay magbago na ito this time sa kanyang pagbabakasyon sa kanilang resort. Kasama sa teleserye ang seksing aktres kung saan character role ang ginagampanan nito.

CENTER

GILBERT PEREZ

MAKISIG MORALES

NIYA

SUPAH PAPALICIOUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with