Teenager pa lamang nanay at tatay na ng pamilya
Sa gulang na 19, wala namang reklamo si Kim Chiu kung siya man ang maging bread winner ng kanyang pamilya. Naniniwala siya na kaya nga siya nanalo sa unang PBB Teen Edition ay dahil may responsibilidad siya, malaking responsibilidad sa kanyang mga magulang at kapatid. Nagpapasalamat na lamang siya at dahil sa magandang suwerte na dulot ng kanyang pagiging first PBB Teen Edition winner ay mas magandang buhay ang tinatamasa nila.
“Kaya ako nagsisikap ay para sa kanila. Kumikita na ako enjoy pa ako sa trabaho ko. Dati pangarap ko lang ang maging artista, hindi ko inaasahan na makikita ko ang sarili ko gabi-gabi sa telebisyon,” pagtatapat ni Kim na napili ng ABS-CBN para gampanan ang title role sa pagpapalabs sa TV ng My Girl.
Samantala, muling bubuksan ni kuya ang kanyang bahay sa Easter Sunday para sa 12 housemates ng 2nd PBB Teen Edition. May kaunting pagbabago dahil may karagdagang isang host, si Luis Manzano who will be joining Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez.
Sa buwan ng Mayo naman ay gaganapin ang Philippine Dream Academy 2 with new headmaster Ryan Cayabyab.
Matatandaang si Yeng Constantino ang kauna-unahang grand dreamer dito, si Yeng na naniniwalang kaya lamang siya natanggap ay dahil sa kanyang audition ay nagreklamo siya kay director Lauren Dyogi nang di nito pinatapos ang kanyang pagkanta at sa halip ay pina-thank youhan na lang siya.
“Sabi ko, ‘thank you lang po? Natawa siya at ayun pinapirma na ako,’ pagbabalik-alaala ni Yeng na matapos manalo sa unang PDA ay nagkaroon ng triple platinum debut album, sold out solo concert, matagumpay na world tours at sandamakmak na awards. Na-release na rin ang kanyang ikalawang album na pinamagatang Journey.
* * *
Big break lang talaga ang kailangan para magtuluy-tuloy na ang career ni Glaiza de Castro.
Kailan lamang nagsimulang mapanood ang Kaputol ng Isang Awit na pinagbibidahan nila ni Lovi Poe pero pinapirma na agad siya ng eight picture exclusive contract nina Mother Lily at Roselle Monteverde sa Regal. Unang pelikulang gagawin niya ay Ultraelectromagnetic Love.
* * *
Marami ang naghihintay na mapanood na ang balitang bonggang kasalan nina Marimar Aldama (Marian Rivera) at Sergio Santibañez (Dingdong Dantes) sa pagtatapos ng kanilang matagumpay na serye sa Marso 14.
Ipalalabas sa Showbiz Central ngayong hapon ang paghahandang ginagawa para sa nasabing kasalan na gagawing live. Maaaring isa ka sa mananalo ng imbitasyon sa kasalang ito. Suwerte mo naman!
* * *
Inihayag ni Chairman Bayani Fernando at mga miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival 2008 na magkakaroon ng symposium na pinamagatang The Problems of the Film Industry: How to Join and Earn from the MMFFP na idaraos ngayong 1-5 NH sa Manila City Room ng MMDA Bldg. EDSA cor. Orense St., Makati City.
Ang mga imbitadong facilitators ng symposium ay sina Prof. Jacinto Gavino at Cora Jimenez mula sa Asian
Ang mga inanyayahang lumahok sa symposium ay lahat ng theater owners, movie producers, directors, MMFF beneficiaries, opisyales ng iba’t ibang guild at kapisanan na bumubuo sa film industry.
* * *
Nahuli sina Jake Cuenca at Riza Santos na nagiging intimate sa set ng Palos! Napansin ng mga nakasaksi na ang New Prince of Action at ang ex-PBB Celebrity Edition 2 housemate ay nagkakamabutihan na at nakitang naglalambingan dahil ito ang kailangan para sa isang mainit na eksena ng action-serye na Palos.
Ginagampanan ni Riza ang role ni Princess Simona, isang misteryosong babae na susi sa isang misyon nina Palos.
Kinuhanan sa
Abangan ang Palos, gabi-gabi sa Primetime Bida, pagkatapos ng Lobo.
o0o
TY sa mga nakaalala ng birthday ko nung March 7.
* * *
- Latest