Katrina kailangan ng lalaki
Hindi Ligaya kundi Katrina Halili ang pangalan ng babaeng walang pahinga at walang iniisip kundi ang kumita sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng walang puknat, kahit na mawalan na siya ng panahon sa kanyang sarili at maasikaso man lamang ang maraming manliligaw na ngayon ay pinagtatakhan niyang wala nang natira kahit na isa.
“Gusto ko nga minsan na magpaanunsyo sa classified ads para malaman ng lahat na ako’y available at nangangailangan din ng lalaki para maging inspirasyon pero, kahit na ito ay hindi ko magawa dahil sa aking kabisihan,” kuwento niya sa pagitan ng kanyang photo shoot para sa kanyang latest endorsement, ang Olive C ng Psalmstre.
Kapag nakita n’yong nangingintab ang kanyang kayumangging balat lately, dulot ito ng mahigit sa isang buwang paggamit ng nasabing produkto na bago pa siya makuhang endorser ay gamit-gamit na niya.
“Wala, sinubok ko lang dahil nakita ko’t nabasa na para ito sa mga may edad na katulad ko, di paris ng ibang sabon na ginawa para sa mga adult o may mga edad na para pabatain sila o paputiin ang kanilang balat,” paliwanag niya.
Nagsimula ang istorya ni Katrina at ng Olive C nung birthday niya.
“Tumawag ako kay Mr. Jim Acosta nung birthday ko para sabihin kung puwede niya akong suportahan, pupunta ako sa isang home for the aged and the elderly at bagay ang produkto niya sa kanila. Hindi naman siya nagkait. Du’n na rin niya ako inalok na maging endorser ng Olive C,” dagdag kuwento pa ng aktres na matatapos na ang Marimar pero wala pang kasunod na proyekto. Mabuti na lamang at marami siyang endorsement which keep her busy. Kagagaling lamang niya ng abroad para sa shoot ng isang clothing apparel na ini-endorso niya rin.
After Marimar, rest muna sa pagiging kontrabida si Katrina. Pero sa ngayon, gusto ko munang mag-comedy o mag-drama,” sabi niya.
Sa kabila ng kanyang pagiging isang workaholic, uuwi siya ng
* * *
Muling napagsama sa TV ang hari at reyna ng showbiz: si Ms. Susan Roces at Eddie Gutierrez sa isang natatanging pagtatanghal sa Maalaala Mo Kaya kagabi sa ABS-CBN.
Sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian muling nakita ang Reyna ng Pelikula sa isang role na kinagiliwan sa kanya nung araw, bilang ‘Reyna ng Basura’ ng Bacolod na si Lola Anecita na sa likod ng kanyang pagiging marahas at labis na paghahangad ng kayamanan, ay mga multo ng nakaraang puno ng mga nasirang pangarap dahil sa kasinungalingan ng kanyang asawang si Lolo Domeng (Eddie). Parang nabuhay na muli ang loveteam na sinuportahan ng marami nung kanilang kapanahunan.Walang nagbago sa dalawa, maliban sa mga nagdaang taon at ang hindi mapasusubaliang galing nila sa pag-arte.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest