Dating wonder boy ng showbiz nangangailangan ng tulong
Pakiramdam ko gustung gusto nang lumipat ni Cristine Reyes at sundan ang ate Ara Mina niya sa kabila.
Isang bagay lang naman, kung wala na siyang kontrata at gusto na niya eh di sumige siya.
Pero, kung puwede pa namang pag-usapan, makipag-usap siya, pag-isipan din niyang mabuti ang magiging pasya.
Sa dinami-dami ng mga artistang nakakontrata sa dalawang networks na hindi pa nabibigyan ng pagkakataon, baka ngayong may aalis eh mabigyan na sila ng tsansa.
* * *
Nami-miss ko ang Hunks. Lumaki rin naman ang pangalan ng grupo at maging ang limang miyembro nito, sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi at Bernard Palanca.
Nakapanghihinayang lamang na parang nauwi lamang sa wala ang pagpupunyagi ng istasyon at ng mga taong humahawak sa kanila. Saan kaya at sino ang may pagkakamali?
* * *
Ang dating wonder boy ng LVN at bahagi ng isang sikat na loveteam (Manding Claro at Nenita Vidal), si Manding Claro ay sasailalim sa isang bypass operation. Baka may mga dating kasamahan siya na gusto at may kapasidad na tumulong, mangyaring tawagan lamang si Luz Valdez.
Ang tambalan nina Manding at Nenita ay palaging suporta ng mga malalakas na loveteams ng LVN, tulad nina Nida Blanca at Nestor de Villa.
- Latest