^

PSN Showbiz

Totohanin kaya ni Robin si Aiai?

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Isa na namang mahusay na character actress ang nabawas sa industriya ng pelikula dahil kinuha na si Bella Flores ng kanyang nag-iisang anak para makasama na nitong manirahan sa US. Matagal na rin itong nasa Amerika at nagtatrabaho. Dun na rin ito nagka-asawa’t anak at dati ay dinadalaw-dalaw lamang ito ni Bella.

Kahit lungkot na lungkot si Bella ay wala siyang magagawa. Gusto ng anak niya na magkasama na sila. Kaya kahit mami-miss niya ang pag-aartista, gusto na rin niya silang makasama.

Meron pa sana itong tatanggaping isang lifetime achievement award sa UP, pero dahil wala na siya, kung kaya ako na lang ang pinakiusapan niyang mag-proxy sa kanya.

Happy trip na lang Bella. Alam kong ‘di madaling kalimutan ang trabahong pinagkatandaan mo na pero, siyempre, sa ating mga magulang ang palaging priority ay ang ating mga anak.

* * *

Bago ang lahat, gusto kong i-congratulate si Ms. Charo Santos dahil siya na ang bagong pangulo ng ABS-CBN. Iba ang sistema ng babae sa lalaki, alam kong magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanyang administrasyon tungo sa mas  ikauunlad pa ng kanilang network. 

* * *

Napaka-suwerte naman talaga nitong si AiAi delas Alas at si Robin Padilla naman ang makaka-kissing scene niya sa Ikaw Pa Rin, ang pelikulang una nilang pagsasamahang dalawa?

Balitang nililigawan ni Robin ang kanyang mga leading ladies, ganundin kaya si AiAi? Mauwi kaya sa totohanan ang kanilang halikan?

* * *

Ang daming tumatawag sa akin at nagtatanong kung saan ba gaganapin ang kasal nina Marimar at Sergio simula nang mabasa nila dito sa column ko na magni-ninong ako sa dalawa.

Aba at bongga pala ang kasal kung ibabase sa kasikatan ng mga kinuha para tumayong ninong at ninang.

Ayaw kong maging killjoy at baka kapag sinabi ko ay dumugin ang taping ng naturang eksena. Maghintay na lamang kayo ng anunsyo ng GMA 7 tungkol dito. Okay ba? Sorry.

BELLA

BELLA FLORES

IKAW PA RIN

MS. CHARO

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with