^

PSN Showbiz

Mga bagets excited na rin sa Golden Divas

-

In fairness, ang dami palang excited na manood ng Golden Divas nina Pilita Corrales, Carmen Pateña at Carmen Soriano sa March 7 and 8 sa Music Museum.

Kung sabagay, mako-consider na isang concert event ang pagsasama-sama ng tatlo na mangyayari for the first time.

Sumikat ang tatlo noong dekada 60’s and 70s. Actually, may mga bagets na nagsasabing hindi sila nakaka-relate but on the second thought, na-realize nilang kailangan nilang mapanood ang show na once in a lifetime opportunity dahil minsan lang ito mangyayari.

Sabagay, nangako ang tatlo na ibabalik tayo sa nakaraan sa glorious `60s and `70s kung saan muli nating maririnig ang mga kantang nagpasikat at nagbigay sa kanila ng permanent spot in the music industry.

Pilita, ang Asia’s Queen of Song, will render her unforgettable signature song, A Million Thanks to You, complete with her famous back-breaking stance. Patutunayan niya that she still has what it takes to capture audiences and have them at the palm of her hands with her unique performing style.

Carmen Pateña, whose singing career, like Pilita’s, covers international venues, will make audiences remember the good old days nang tawagin siyang ‘Shirley Bassey of the Philippines.’ Inaasahang ibabalik niya ang memories with such songs as Wonderful Dream, The World’s Greatest Clown, The First Time Ever I Saw Your Face, Ballad Of A Sad Young Man at marami pang iba.

Si Carmen Soriano, na minsang na-link sa namayapang dating presidente Ferdinand Marcos na naging dahilan kung bakit siya nawala sa Pilipinas noon, will show music lovers she still has what it takes to keep them asking for more. Maririnig natin ang kanyang mga signature songs tulad ng Ang Tangi Kong Pag-ibig, Bluebird, Bulung-Bulungan, Dahil Sa Isang Bulaklak, Dalagang Pilipina at marami pang iba.

Pero hindi lang pagbabalik alaala sa mga ginawa nila noong nakaraan ang mapapanood sa Golden Divas concert.

Hahaluan nila ang concert kung saan makaka-relate ang hindi nila masyadong ka-age dahil kakanta sila ng mga Pussy Cat Doll songs, Britney Spears and Madonna na first time din siyempre nilang gagawin.

The Golden Divas promises to be a blast, not just for those who remember the `60s and `70s, but for today’s generation.

The series of shows is produced by Viva Concert and Events and directed by Al Quinn. (SVA)

A MILLION THANKS

AL QUINN

ANG TANGI KONG PAG

BALLAD OF A SAD YOUNG MAN

CARMEN PATE

GOLDEN DIVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with