^

PSN Showbiz

Kris at James sa Bangkok sana planong bumuo ng baby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pinag-react ang isang maganda at magaling na actress sa break-up ng anak na actor at ex-girlfriend nitong actress din. Tinanong ang actress kundi ba siya nanghinayang na hindi natuloy na maging manugang niya ang actress?

Nagulat kami sa madiin nitong sagot na “bakit, in-offeran ba siya ng kasal ng anak ko?” dahil ang buong akala natin ay tanggap na tanggap niya ang actress na girlfriend ng anak. Nakakasama pa nga nila ang ex ng anak sa mga family gatherings at pati sa pagsisimba, ‘yun pala’y, pinakikisamahan lang nito ang actress that time, dahil mahal ng anak.

Sa ibang actress na nali-link ang anak ng magaling na actress, pero naniniwala siyang walang relasyon ang dalawa’t never niyang nakitaan nang pagka-in love ang mga ito.

* * *

Tuwang-tuwa si Paolo Contis sa balitang mapapanood sa Mexico ang Mga Mata Ni Anghelita, dahil binili ang rights nito ng Televisa, ang producer ng Marimar. Payag siyang mag-mall show sa Mexico para i-promote ang seryeng pinalabas sa GMA-7, July last year.

 Samantala, nag-taping na si Paolo para sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita na kung saan, bad boy na naman ang kanyang role. Ang sama raw ng ugali niya rito at makakaribal niya si Tonton Gutierrez na gaganap na kanyang kapatid kay Diana Zubiri.

March 24 ang pilot ng bago niyang tele-drama at post birthday gift daw ito sa kanya’t birthday niya sa Mar. 14. Hindi na namin tinanong si Paolo kung anong gustong regalo ang matanggap sa girlfriend niyang si Isabel Oli, dahil nabanggit ng actress na hindi mahilig  tumanggap ng regalo ang actor. Tama na rin siguro kay Paolo na magkasama sila ni Isabel sa Boracay sa Maundy Thursday hanggang  Black Saturday. Kundi lang siya magpo-promote ng Babangon…, at kung wala lang taping ng Maging Akin Ka Lamang  ang nobya, hindi sila agad babalik ng Manila.

Bilib si Paolo kay Isabel, dahil kahit hindi kontrabida, nagawang maging bad girl sa nasabing afternoon soap. Maganda raw ang offer at role na ‘di puwedeng tanggihan at hindi ito basta-basta kontrabida. Pinuri rin nito ang GF na magaling sa rape scene.

* * *

Official Regal babies na sina Niña Jose at Hazel Ann Mendoza nang pumirma ng eight-picture exclusive contract sa Regal Entertainment noong Biyernes ng gabi sa Imperial Palace Suites. Present sa contract signing ang manager ng dalawa na si Manny Valera at si Mother Lily na nag-welcome sa kanila sa kanyang kompanya.

Isasama agad si Niña kina Rufa Mae Quinto at Iwa Moto sa sex-comedy na My Sweet Papa  at kundi magbabago ang plano, ilo-launch siya sa remake ng Kolehiyala  na unang ginawa ni Cherry Pie Picache. Una rito, mapapanood din ang newbie sa The Half-Blood Samurai  as bestfriend of Jennylyn Mercado.

Hinahanapan na rin ng right project si Hazel Ann Mendoza na payag magpa-sexy and in fact, nagpa-sexy na sa cover ng March issue ng FHM  kasama si Niña. Half-sister ni Nadia Montenegro itong si Hazel at ang kapatid ang nag-encourage sa kanyang lumabas sa men’s magazine. Nalulungkot pala si Hazel sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kapatid at ni Gretchen Barretto at ang alam niya’y, matalik na magkaibigan ang dalawa.

* * *

Tuwang-tuwa ang fans ni Kris Aquino sa tsismis na three-week pregnant ito at kinumpirma niya ito kay Boy Abunda. Wish ng fans ng TV host-actress at ni James Yap na kung totoong buntis si Kris, babae naman ang sunod na isilang nito para may aayusan siya at para may aalagaan sina Josh at baby James.

Kung ganun, hindi na kailangang pumunta pa sa Bangkok sina Kris at James para magka-baby uli. Dapat, last Saturday pa sila umalis for their four-day vacation at naka-plano na kung ano ang kanilang gagawin at pupunta pa sila sa Chiangmai. Nakansela lang ang trip ng mag-asawa’t may game 7 ang Smart Philippine Cup ng PBA this Sunday.

Pabiro ngang nagreklamo si Kris na gumastos siya ng malaki para ipakansela ang Bangkok trip nila, pero hindi sila puwedeng umalis na hindi tapos ang Smart Philippine Cup. Hindi nito alam kung kailan sila matutuloy, dahil pareho silang busy.

ACTRESS

HAZEL ANN MENDOZA

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with