^

PSN Showbiz

Glaiza kailangan ng check up

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa presscon ng Slenda kung saan endorser si Valerie Concepcion ay napuna ng maraming press people ang higit na iginanda nito at pagiging seksi.

Mula nang siya’y maging Kapamilya ay gumanda ang kanyang career. Bukod pa dito ay may pelikula siyang gagawin katambal si Vhong Navarro. Naka­kaipon na rin siya at baka makabili ng bahay at lupa sa taong ito.

Inamin ni Val na sapul nang isilang niya ang tatlong taong gulang na si Heather Fiona ay gumanda ang kanyang career at naging financially stable pa.

“Maswerte Tita ang anak ko dahil sa kanya, guman­da at guminhawa ang buhay ko at ng aking pamilya. Wala munang lovelife dahil siya ang nagsisilbing inspirasyon ko,” sey pa nito.

* * *

Nakausap namin si Tirso Cruz III sa presscon ng Kaputol ng Isang Awit at sinabing kagagaling lang niya ng Amerika kung saan naging guest siya sa concert ni Nora Aunor. Kilig na kilig pa rin ang audience laluna nang kantahin nila ang Together Again at Maria Leonora Teresa.

* * *

Hinihimok ng mga kaibigan sa press si Glaiza de Castro para ipa-check up ang ulo dahil naaksidente ito kamakailan sa taping ng Kaputol ng Isang Awit. Pa-exit na ito nang madulas at bumagok ang kanyang ulo. Nahilo ang magandang aktres at sumakit nang husto ang batok.

Hindi siya nag-absent sa presscon kaya di natuloy ang check-up. Pero ngayon daw ay ayos na ang kanyang pakiramdam.

Napuna namin ang pasa malapit sa bibig at sinabi nitong nasuntok naman siya ni Marky Cielo sa first taping day nila ng KNIA.

Handa na rin siya sa kissing scenes at ayaw niyang biguin ang GMA dahil itinuturing na napakalaking break ang naipagkaloob sa kanya ng network.

vuukle comment

HEATHER FIONA

ISANG AWIT

KAPUTOL

MARIA LEONORA TERESA

MARKY CIELO

MASWERTE TITA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with