^

PSN Showbiz

Regine matagal nang may ‘topak’

-

Sa presscon kahapon para sa Pinoy Kamasutra 2 video ng Viva Entertainment ay nakuha ng Viva Hot Babe na si Sachie Sanders ang atensyon namin dahil na rin sa kanyang mga shocking revelations.

Base sa kanyang kuwento, inagaw ni Iwa Motto ang kanyang non-showbiz boyfriend at ka-live-in for three years na ang name ay Mickey.

Bago raw naging boyfriend ni Iwa ang naturang guy, alam naman daw ng young actress na sila.

“Nakikita niya kaming magkasama, kasi may mga times na nagkikita-kita kami co’z may common friends kami. So, alam niya na boyfriend ko dati ‘yung boyfriend niya ngayon,” kuwento ni Sachie.

Noong time na sila pa ni Mickey, may mga nagsasabi na raw sa kanya na nakikipag-date ito kay Iwa.

“Kung saan-saan kasi sila nakikitang dalawa. Tapos, kami pa pero nagte-textan sila. That time, idene-deny sa akin ng boyfriend ko na nanliligaw siya kay Iwa or nagdi-date sila. Basta ang sabi niya, kaibigan lang niya si Iwa.

“Hanggang sa dumating daw ang time na nag-break na sila ng boyfriend niya at ito raw ay dahil kay Iwa. May pagkakataon din daw na nahuli niya ang young actress sa bahay ng dating nobyo.

“Tumakbo siya agad sa room nang makita niya ako. Kinatok ko pa siya. Sabi ko sa kanya, lumabas ka diyan, huwag kang magtago diyan dahil hindi kita uupakan, pero hindi siya talaga lumabas.

“Tapos ‘yung ex ko naman, sinigawan ako ng “Ano ba, tama na, ayoko na nga sa ‘yo, eh,” na parang ipinaririnig niya talaga kay Iwa. Umiyak na lang ako nang umiyak nu’n sa mama ng ex ko,” kuwento pa ng bagong member ng Viva Hot Babe.

Sa mga hindi pa nakakakita  kay Sachie, sa personal ay kahawig na kahawig siya ni Iwa lalo na ang matang mala-Haponesa, pati na ang lips. Sabi nga namin sa kanya, marahil, ito ang dahilan kung bakit nagustuhan ng guy ang young actress.

“Eh halos lahat nga ng nagugustuhan niya talaga, kamukha ko,” say pa ng sexy star.

Sa ngayon daw ay unti-unti na siyang nakaka-recover. Medyo sariwa pa sa kanya ang lahat dahil last January lang daw ito nangyari. Ngayon ay nababalitaan na niyang lantaran na ang relasyon ng ex-bf kay Iwa at ang message niya lang sa young actress, “Sana maging masaya siya, pero hindi niya puwedeng sabihin sa akin na break na kami dahil kahit kami pa, nandiyan ‘yung nagte-text kayo, so what goes around comes around, ‘yun lang ang masasabi ko sa kanya.”

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na na-involve si Iwa sa sulutan issue. Natsismis na rin siya dati na sinulot niya ang boyfriend ng Sex Bomb dancer na si Rochelle Pangilinan.

So, maituturing ba ni Sachie na ahas si Iwa?

“Hindi, anaconda,” prangka namang sagot ng Viva Hot Babe member.

Nakahanda raw siya sa magiging sagot ni Iwa sa kanya kung sakali. Hindi raw siya natatakot sa young actress dahil alam daw niya na siya ang nagsasabi ng totoo.

“Alam ko namang ide-deny niya ito, eh, dahil siyempre, bait-baitan siya,” say pa ni Sachie.

Anyway, sa Pinoy Kamasutra 2 ay nagpaka-daring nang husto si Sachie. Pang-anim na raw niyang video ito pero dito siya talaga bumigay.

“Pero hindi pa naman ‘yung todo talaga. Wala namang frontal. Pero may breast exposure,” she said.

Ang Pinoy Kamasutra 2 ay pinagbibidahan ni Myles Hernandez sa tulong nina Sachie at Hazel Cabrera.

Habang nag-iinterbyuhan kami ay ipinapakita sa monitor ang video at super-daring nga ang tatlong Viva Hot Babes member. Boobs kung boobs ang labanan dahil lahat sila ay may breast exposures.

Ang Pinoy Kamasutra 2 ay mabibili na sa DVD sa halagang P299 at sa VCD sa halagang P199 sa inyong mga paboritong video stores nationwide.

* * *

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa industriya ang ‘topak’ ni Regine Velasquez. Yap, some people saw the whole thing (ang muntik niyang paglipat sa ABS-CBN at ang pamamamaalam niya sa SOP) as isa lamang sa mga topak ng Asia’s Songbird.

Say ng aming source, noon pa raw talaga ay may pagkaluka-luka na si Regine.

“May mga mood swings din siya na tipong bigla na lamang may maiisip na gawin,” say pa ng aming source.

Pero ito na raw yata ang pinakamalalang topak ni Regine.

“Imagine, mag-ilusyon ba na puwede niyang gawin ang Betty La Fea? Feeling ba niya ay 20s pa siya? Diyos ko naman!” say pa ng kausap namin.

‘Yun na! (Vinia Vivar)

IWA

NIYA

SACHIE

SIYA

VIVA HOT BABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with