^

PSN Showbiz

Dalawang buntis na aktres bida sa Tasya Fantasya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pinuna ng press ang paglaki ng boobs ni Jennylyn Mercado, dala ng kanyang pagbubuntis. Tinakot pa siya ng mga reporter na mas lalaki pa ang boobs ‘pag nagpa-breastfeed siya sa isisilang na baby middle of September. Nasa pag-aalaga siya ng kanyang OB-Gyne na si Dr. Judy Ann Puey ng St. Luke’s Medical Center.

Tapos na sa kanyang paglilihi si Jennylyn, kaya mas normal na ang buhay niya ngayon, although naghahanap pa rin siya ng pasta paminsan-minsan. Kapag malaki-laki na ang tiyan, magpapa-ultrasound siya para matukoy na kung anong gender nang ipinag­bubuntis para mapaghandaan na ang mga kailangan nito.

Masayang ibinalita ni Jennylyn na after  The Half-Blood Samurai, isa pang pelikula ang gagawin niya, pero wala munang detalye. Nag-taping na rin siya para sa Kaputol ng Isang Awit, kung saan may special role siya as the singing superstar na idol ni Glaiza de Castro. Masaya raw sa taping, nag-enjoy siya at na-realize na miss niya ang set, kaya kahit inabot siya ng madaling-araw, wala siyang reklamo.

* * *

Ang Tagalog version daw ng Korean novela na  Kim Sam Soon na umere sa GMA-7 a few months back, ang isa sa mga gagawing shows ni Regine Velasquez sa Kapuso network ‘pag naayos na ang pakikipag-usap niya sa management. Nakita yata ng mga bossing na bagay kay Songbird ang role ng female lead na mai-in love sa mas bata sa kanya.

Kung matutuloy ito, sino kaya sa talents ng Ch. 7 ang babagay na leading man ni Regine? Si Dennis Trillo lang ang naiisip naming puwede niyang maka-pareha at siguro naman, magki-klik din kung sila ang pagtatambalin.

Kaya lang, may viewers ng Ch. 7 na kumontra agad kahit balita pa lang na kay Regine ibibigay ang project. Mas bagay daw kay Sunshine Dizon ang  Kim Sam Soon, dahil graduate ito ng 17-day special course sa A.I.C.A. o Academy of International Culinary Arts at may certificate na. Pastry chef yata ang bida sa KSS at may background na sa pagluluto si Sunshine at ‘di na kailangang mag-workshop.

Pero siyempre, ang Ch. 7 management pa rin ang masusunod and in fairness, bagay kay Regine ang romance-comedy. Saka ang alam namin, ibang project ang gagawin ni Sunshine, drama na kanyang forte.

* * *

Dalawa ang buntis sa cast ng Tasya Fantasya at walang balak ang staff na palitan sila’t nakapag-taping na ang dalawa at mahirap mag-reshoot. Kaya kahit lumalaki ang mga tiyan, tuloy sina Gladys Reyes at Alicia Meyer sa pang-Sunday show ng GMA-7 na sa March 23 na raw ang pilot.

Tampok dito ang love team nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo, pero hindi ito makakasira sa tambalan ng actress at ni JC de Vera sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

Original love team ang una at marami ring fans na naghihintay sa muli nilang pagsasama at ang Tasya Fantasya na yun.

ALICIA MEYER

ANG TAGALOG

BABANGON AKO

KIM SAM SOON

SIYA

TASYA FANTASYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with