^

PSN Showbiz

Gretchen at Nadia nagharap, walang nangyari

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Hindi komprontasyon ang ginamit na salita ni Gretchen Barretto nung imbitahan niya para sa isang paghaharap sina dating Mayor Boy Asistio at Mr. Dodie Puno, ang ginamit niyang termino ay paglilinaw, dahil nung nakaraang Miyerkules nang malaman niya kung ano ang nilalaman ng text messages ni Nadia Montenegro laban sa kanya ay parang puputok ang kanyang dibdib.

Naganap ang kanilang paghaharap sa Friday’s sa tabi ng Rembrandt Hotel, dumating sina dating Mayor Asistio, Tania Montenegro, Mr. Dodie Puno, ang anak nitong si Raffy at manugang na si Cristine.

Kami ng kasamang Jobert Sucaldito ang nandun, pati si Bettina Aspillaga na PA ni Gretchen, kumpleto nung gabing yun ang mga taong dapat magharap-harap para maresolbahan ang problema sa pagitan nina Gretchen at Nadia.

Pinangalanan ni Gretchen si Nadia, ito ang sinabi niyang nagkakalat ng mga detalye tungkol sa kanyang personal na buhay, kasama na dun ang kuwento tungkol sa diumano’y pagpapalayas sa kanya ni Tonyboy Cojuangco sa kanilang tirahan at pakikipagrelasyon din sa negosyanteng si Mr. Dodie Puno.

Nagdedenay si Nadia, sinabi nito na puro pagtatakip pa nga ang kanyang ginagawa kay Gretchen, pero ibang klaseng sundalo si Gretchen kapag nakipaglaban, meron siyang mga hawak na piraso ng ebidensiya para madiin ang kanyang katunggali.

Sa harapan mismo ni dating Mayor Boy Asistio na blangkong-blangko tungkol sa pangyayari ay sinabi ni Gretchen na kung gugustuhin lang niyang gumanti sa mga paratang sa kanya ni Nadia ay napakadaling gawin nun, pero hindi niya ginagawa, bilang respeto sa pulitiko at sa kanilang mga anak ni Nadia.

Sinabi ni Gretchen, “Lahat tayo, mayor, may itinatagong skeletons in our closet, no one’s perfect, lahat tayo, may sari-sariling baho. I can also say so many things about Nadia, but I’m not doing it, dahil nirerespeto kita at ang mga anak n’yo na inaanak ko pa naman.

“But please tell her to stop talking against me, wala akong natatandaang masama na nagawa ko sa kanya. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang hindi na niya ako siraan?

“Ano ba ang masama kong ginawa sa kanya, kulang pa ba ang mga ginagawa kong kabutihan sa kanya?” diretso ang tingin sa mga mata ng pulitiko na sinabi ni Gretchen.

* * *

Pinipilit na hawakan ni Gretchen ang kanyang emosyon, pero may mga pagkakataong nagiging emosyonal siya, wala pa nun si Nadia sa mesa namin at parating pa lang.

Nung dumating si Nadia ay nag-usap silang dalawa sa isang function room, nagkaroon sila ng kom­prontasyon, nalaman namin mula sa ilang impormante na nakalimot si Gretchen kaya nag-hysterical siya.

“Kasi naman, instead na magpakumbaba si Nadia, e, mayabang pa ang dating niya. Ang sabi ni Gretchen, ‘Why, Nadia? Why are you doing this to me?’ Ang sagot pa ni Nadia, ‘Show me your evidence!’

“Nagalit na si Gretchen, ang inaasahan kasi niya, e, magpapakumbaba si Nadia dahil buking na buking na ngang siya ang nagkalat ng kung anu-ano tungkol kay Gretchen, pero may kaangasan pa ang dating niya.

“Ayun, tumaas na ang boses ni Gretchen, naglitanya na siya ng kung anu-ano, nandun si mayor at si Dodie nun, kaya na-shock ang dalawa sa mga narinig nila from Gretch,” sabi ng aming source.

Dumating din si Claudine nung bandang gabi na, kagagaling lang nito sa Hong Kong, nung malaman nito na magkikita sina Nadia at Gretchen ay agad itong tumakbo sa Rembrandt.

Tumawag sa amin si Claudine, “Nag-iisa lang kasi si Gretchen, nandun ang kapatid ni Nadia na si Tania, nakakaawa naman ang kapatid ko,” nag-aalalang sabi ni Claudine.

Sinasabi na nga ba namin, hindi lang si Gretchen ang katunggali ni Nadia sa pangyayaring ito, kilala namin ang pagiging kuyog ng magkakapatid na Barretto.

Hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang usapan ni Nadia, inilabas ito ni dating Mayor Asistio nung naghihisterya na si Gretchen, isa pa sigurong kalmadong pag-uusap ang kailangan nilang pagharapan para sa ikatatapos ng kontrobersiyang ito.

vuukle comment

CLAUDINE

GRETCHEN

MAYOR ASISTIO

MAYOR BOY ASISTIO

MR. DODIE PUNO

NADIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with