‘Walang maaaring pumigil sa ‘yo Regine’
Isa sa mga narinig kong dahilan kung bakit iniisip mong lumipat sa kabilang istasyon ay ang kagustuhan mong mag-grow pa ang iyong career. I find this kind of reasoning quite untrue dahil pakiramdam ko, napakaganda ng oportunidad na ibinigay sa iyo ng GMA 7 para ma-accomplish mo ito, Regine Velasquez. Hindi ka lamang isang concert artist sa SOP, sinubok na rin ng network ang talino mo sa paghu-host and you passed this with flying colors naman. Pagdating naman sa acting department, nasubukan mo na rin namang umarte sa isang isang serye. Kung kulang pa ito, ang kailangan lamang siguro ay magsabi ka and what you require will be given to you. Ganyan ka kamahal ng network.
Mas hinangaan pa siguro kita kung sinabi mo na lamang na mas maganda ang offer sa iyo ng kabila, kung hindi man sa TF ay sa programa. Baka nga naman sabay-sabay kang ilalagay sa isang musical and acting shows, maiintindihan ko pa.
Of course, I’m taking sides dahil baka hindi lamang alam ng management ang gusto mo. In this case, dapat ipinaalam mo sa kanila. Kung hindi personally, puwede naman through your manager.
Malaki ka nang artista. Ang tanging magagawa mo na lamang ay i-maintain ito as long as you can. Kilala ka na rin as an actress, naipakita mo nang hindi ka pipitsugin.
In fairness, hindi ko makita yung sinasabi mong growth na mahahanap mo sa iyong paglipat. Pero, reyna ka ng kagustuhan mo. Walang maaring pumigil sa iyo. But you should have thought of a better alibi than what you’ve offered.
* * *
Napakasaya yung luncheon reunion which the Vera Perez daughters, Manay Ichu, Lilibeth and Chona hosted with their mother, Mama Nene Vera Perez sa kanilang napaka-makasaysayang Vera Perez garden.
Nakalulungkot na marami nang wala sa mga datihang Sampaguita and Vera Perez stars pero, dumating sina Susan Roces, Eddie Gutierrez, ang mag-inang Linda Estrella and Tessie Agana na magbabakasyon dito hanggang sa buwan ng Mayo, Bella Flores, Zeny Zabala, Nori Dalisay, Amparo Lucas, Gina Pareño na kagagaling ng Palawan at si Delia Razon na nag-iisang nagmula sa LVN Pictures. Dumating din si Sheryl Cruz who represented her mom, Rosemarie Sonora na nakatira na sa
As usual, masarap ang tanghalian. Kilala ang mga Vera Perezes for serving the most sumptuous of meals.
Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon na naririto si Linda Estrella. Igagawa ko na rin siya ng sarili niyang estrelya sa Eastwood Walk of Fame.
* * *
Masaya rin yung dinner na ibinigay ni Claire dela Fuente sa Edsa Shangri-la in honor of Richard Carpenter, isa sa dalawang magkapatid ng pamosong The Carpenters. Dumating ng bansa si Richard para suportahan ang album na ginawa ni Claire sa
Nagparinig ng ilang awitin si Claire mula sa kanyang album at tumugtog naman sa piano si Richard.
Naging ispesyal na panauhin din si Madam Imelda Marcos.
* * *
Parang napakabigat naman nung acting debut ni KC Concepcion na ginawa sa isang madramang palabas ng ABS-CBN. Mabuti na lamang at talagang may dugong artista na nananalaytay sa kanyang mga ugat, she passed the test with flying colors.
Feel ko lang na dapat mas light yung project na ipinauna sa kanyang gawin. After all, wala namang tumatawad sa kakayahan niyang umarte. Given na mahusay siyang umarte. At feel ko rin na dapat sa pelikula siya unang nakita.
- Latest