^

PSN Showbiz

Pag-iyak ni Regine  mas pinanood kesa sa ‘drama’ ni Gretchen

-

SEEN: Headline sa isang tabloid na magkasundo na uli ang mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Bago? Madalas na nagkakatampuhan ngunit nagkakasundo rin sina Cesar at Sunshine. Hindi ang mga uri nila ang makakatiis na magkahiwalay sila. Huwag nilang hayaan na masanay ang mga tao sa kanilang away-bati na drama dahil makakaapekto ito sa kanilang popularidad, lalo na sa career ni Cesar.

SCENE: Maaaring madismaya si Gretchen Barretto  kapag nalaman nito na mas pinag-uusapan ang pag-iyak ni Regine Veasquez sa SOP  noong Linggo kesa sa guesting niya sa The Buzz. Ayon sa survey na ginawa ng Seen/Scene, nasasawa na ang mga tao sa mga kontrobersya na nagaganap sa buhay ni Gretchen.

SEEN: Nagtangka raw na magpakamatay si JayR Siaboc  dahil nalaman nito na may ibang boyfriend ang kanyang gilrfriend na si Irish Fullerton. Emotional blackmail ba ito ni Jay-R kay Irish na walang reaksyon nang aminin ng kanyang boyfriend na naranasan nito na pumatol noon sa mga gay?

SCENE: Pagod ang mukha ni Dina Bonnevie  sa tuwing humaharap siya sa TV camera at hindi ‘yon makakatulong sa beauty clinic na kanyang ini-endorso. Total beauty rest ang kailangan ni Dina para bumalik ang kanyang fresh look.

SEEN: In her own way, tumulong si Ruffa Gutierrez  sa promo ng pelikula ni Richard Gutierrez  sa GMA Films. Nakita si Ruffa sa Bonifacio High Street noong isang araw. Nakapaskel sa van ni Ruffa ang poster ng pelikula ni Richard kaya naramdaman agad ng mga tao ang kanyang presence.

vuukle comment

BONIFACIO HIGH STREET

CESAR MONTANO

DINA BONNEVIE

GRETCHEN BARRETTO

IRISH FULLERTON

REGINE VEASQUEZ

RICHARD GUTIERREZ

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with