^

PSN Showbiz

Mag-inang Sharon at KC hindi pinag-uusapan ang trabaho sa bahay

- Veronica R. Samio -

Sa kabila ng halos nabuhay na silang mag-iina sa showbiz, inamin ni KC Concepcion sa kanyang launch­ing bilang major star ng isang episode ng  Maalaala Mo Kaya drama anthology na napanood kagabi sa ABS-CBN na hindi nila pinag-uusapan sa loob ng kanilang kabahayan  ang tungkol sa kanilang mga trabaho.

“Not for anything else, pero siguro dahil nasa bahay kami to rest and to relax, that’s what we do. Di na namin inuulit yung nangyari sa shooting or taping namin ni mommy but, rather we talk about kung ano ang nangyari sa mga kapatid ko, what we both did, sa buong araw at what we plan to do the next day.

“But because I’m still new in the business, ang dami kong tanong kay mommy na siyang nag-iisip para sa akin ng  mga dapat kong gawin. Kahit may nag-aalaga sa akin and ABS CBN is also very much concerned sa trabaho ko, nung una madalas ang bull session. But other than this we try to talk about things na hindi nakakapanood,” paliwanag ni KC whose biggest wish ay makasama sa isang project ang kan­yang ina.

“Ang sarap ng feeling siguro lalo’t my mom is my biggest influence. I bet marami akong matututunan sa kanya,” dagdag pa ng itinuturing na pinaka-malaking artis­ta ng Dos next to the Megastar.

* * *

Napakaganda na­man nung movie na napanood ko sa isang celebrity screening sa IMAX  ng SM Mall of Asia.

The Spiderwick Chronicles has all the makings of a Harry Potter movies. Dahil gawa ng Nickelodeon, talagang mga bata ang mas pangunahing konsiderasyon nang gawin ito. Kaya nakakaaliw, hindi lamang ang mga pangunahing artistang gumaganap (Freddie Highmore as Simon/Jared, Mary Louise Parker, Helen; Nick Nolte, Mugarath; Joan Plowright, Lucinda; David Strathairn as Arthur Spiderwick; Seth Rogen, Hogsqueall; Martin Short, Thimbletack at Sarah Bolger, Mallory) ang magbibigay aliw sa mga nakakabatang audience kundi lalo na ang mga characters na makikita sa pelikula (yung mga magagandang fairy and sprite, maski na yung mga nakakatakot na goblins) at ang nakatutuwang pamamaraan na ginawa para mapangalagaan ang libro ni Spiderwick para hindi mapasa­kamay ni Mulgarath.

Maraming mga emotional na bahagi ang pelikula na mararam­daman mo na lamang na umiiyak ka,  marami dahil nalulungkot ka, at meron dahil masaya ka rin.

Maswerte ang Solar dahil nakuha nila ang karapatang maipalabas ang The Spiderwick Chronicles  na ipinamamahagi ng United International Pictures locally dahil siguradong dudumugin ito ng mga bata sa sinehan.

* * *

E-mail:   [email protected]

ARTHUR SPIDERWICK

DAVID STRATHAIRN

SPIDERWICK CHRONICLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with