^

PSN Showbiz

Patrick tatakasan na si Jennylyn

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nag-deny na si Martin Nievera tungkol sa non-showbiz girl na natsitsismis sa kanya pero hindi mamatay-matay ang balita.

Iba ang kuwento na nasagap ko, true daw ang tsis­mis pero nasa getting to know each other pa lang ang drama ni Martin at ng girl na super-rich ang pamilya dahil may connect sa mga royalty ng isang rich-oil country ang kanyang madir.

Ang tsismis pa, mga taga-showbiz ang nagpakilala kay Martin at sa 28-year old girl. Sila ang naging tulay at kapag nalaman ni Katrina Ojeda kung sino sila, tiyak na magugulat kayo.

I’m sure, ang mga ‘bridge’ din ang may kaga­gawan kaya mabilis na kumalat sa showbiz ang mga balita tungkol kay Martin at sa mystery girl na nanood ng kanyang anniversary concert pero hindi natunugan ng mga reporter.

Siguradong tatanungin si Pops Fernandez ng mga reporter tungkol sa bagong kabanata ng lovelife ng kanyang ex-husband.

Knowing Pops, mapapangiti lang siya at baka ma­alala niya ang sariling sitwasyon noong nag-uumpisa ang relasyon nina Martin at Katrina, behind her back. Behind her back daw o! Kumanta kaya si Pops ng Karma Chameleon ni Boy George?

* * *

Pinag-uusapan naman ng mga reporter ang pagpunta ni Patrick Garcia sa Amerika dahil affected na siya ng mga pagsasalita ni Jennylyn Mercado tungkol sa kanilang masalimuot na relasyon.

Ewan ko lang kung totoo na mag­pa­patawag si Patrick ng presscon sa isang linggo para i-announce na ‘the end’ na ang relasyon nila ni Jennylyn.

May mga kumukumbinsi raw kay Patrick na huwag nang magsalita dahil baka lalong maapek­tuhan ang pagbubuntis ni Jennylyn. Siya ang mag­mu­mukhang nega kung may mangyari man na hindi maganda kay Jennylyn o sa kanilang magi­ging anak.

Napuno na siguro si Patrick sa mga pag-e-emote ni Jennylyn sa TV kaya magbabakasyon muna siya sa Amerika.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kaba­nata. Tingnan natin kung another Meryll Soriano-Bernard Palanca case ang mangyayari sa love affair nina Jennylyn at Patrick.

Buntis si Meryll nang maghiwalay sila ni Bernard pero nagkasundo sila na maging magkaibigan alang-alang sa kanilang anak.

Buntis si Meryll nang magkaroon ng balita na meron siyang bipolar disorder. Teka, baka naman may bipolar disorder din si Jennylyn kaya grabe ang kanyang mood swings?

* * *

Hindi shocking ang balita na hiwalay na si LJ Moreno sa kanyang basketball player boyfriend na si Jimmy Alapag.

Noon ko pa narinig ang balita na hiwalay na sila kaya hindi na matutuloy ang kanilang pagpapakasal.

Hindi ko pinatulan ang balita dahil hindi na masyadong active sa showbiz si LJ.

Eh lumabas kahapon sa PM (sister publication ng PSN na may column din ako) na bilmoko girl si LJ kaya hiniwa­layan siya ni Jimmy.

Pangit sa isang babae na mabansagan na bilmo­ko girl kaya dapat ipagtanggol ni LJ ang sarili. Baka matakot na ang mga mhin na ligawan siya ‘noh!

Pangalawang beses nang naudlot ang pagpapakasal ni LJ. Hindi rin natuloy ang wedding nila noon ng kanyang boyfriend na basketball player din. Hindi naman siguro pinangarap ni LJ na maging run-away bride siya!

Run-away bride ang title ng 1999 movie ni Julia Roberts at hango ang kuwento nito sa tunay na buhay.

Run-away bride ang tawag sa mga babae na may phobia sa kasal at kung kailan malapit na ang araw ng kanilang kasal, saka sila nagpapalit ng isip at nagluluka-lukahan.

* * *

Kung parehong nag-deny sina Isabel Oli at Nadine Samonte na hindi totoo na nagde­dedmahan sila sa set ng Maging Akin Ka Lamang, sino ang source ng balita? Sino ang mga naninira sa kanila.

May nagkuwento sa akin na wala raw naninira o nang-iintriga kina Isabel at Nadine dahil totoo at hindi kathang-isip ang kanilang pag-iisnaban.

Hindi raw dapat sisihin ang staff ng Maging Akin Ka Lamang na hindi natutuwa dahil nadadamay sila sa intriga. Kapag nabuwisit ang staff sa pagda­da­may sa kanila, baka mapilitan sila na magsalita kung sino ang nagmamaldita sa set.

JENNYLYN

MAGING AKIN KA LAMANG

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with