Jennylyn at Patrick hiwalay na!
Kinumpirma ni Patrick Garcia sa kasamang Jobert Sucaldito na totoong hindi muna niya dinadalaw-pinupuntahan sa ngayon si Jennylyn Mercado. Maiinit pa raw ang sitwasyon, hindi pa raw ito ang tamang panahon para magharap sila, dahil baka mas matinding sigalutan pa ang mangyari sa kanila.
Pero idiniin ng aktor na hindi niya pababayaan ang sanggol na dinadala ni Jennylyn, paninindigan niya ang kanyang pagiging ama sa bata, pero hindi muna sila nag-uusap ni Jen sa ngayon.
Hindi na nagpakahaba pa ang aktor sa kanyang paliwanag, nakilala naman sa pagiging matipid sa pagsasalita si Patrick, pero kamarka-marka ang kanyang sinabi kay Jobert.
Ang ikinaaayaw niya, bakit daw ganun, meron lang nangyaring simpleng bagay sa pagitan nila ni Jennylyn, nasa mga pahayagan na agad yun, nasabi na agad ng aktres sa mga reporters?
Ang gusto
May punto naman dun si Patrick, hindi kalabisan ang kanyang hinihingi, kailangang malaman ni Jennylyn ang disiplina sa pakikipagrelasyon. Hindi lahat-lahat ay isinasapubliko ng artista, kahit kaunti lang ay kailangang meron itong itinatabi para lang sa kanila ni Patrick, para magkasundo sila.
Itinanggi naman ni Patrick ang kumalat na kuwento na tinawagan ni Mommy Bing si Mommy
Papasok lang daw sa eksena ang kanyang ina kapag siya na mismo ang lumapit dito, kapag siya na ang nanghingi ng suporta, pero hanggang hindi niya yun ginagawa ay hindi ito makikialam sa kanila.
Pahapyaw rin naming nakausap si Patrick nung ilipat sa amin ni Jobert ang telepono, pag-uulit lang ng kanilang pag-uusap ang namagitan sa amin ng aktor, kinumpirma lang niya na totoong hindi muna sila nagkikita ni Jennylyn ngayon.
* * *
Ngayong gabi na ipalalabas ang episode ni KC Concepcion para sa Maalaala Mo Kaya, ngayon pa lang ay ramdam na namin ang lagnat ng bayan para mapanood si KC sa isang madramang palabas, maraming lakad ang mga kababayan natin ngayong gabi pero nakatutuwang malaman na babahaginan ng oras ng mga ito ang MMK ni KC.
Kung hindi man aprubado ang marami sa salitang perfect para kay KC dahil wala naman talagang kahit sinong perpekto ay puwede pa rin nating sabihin na almost perfect na ang panganay ni Sharon Cuneta.
Kahit anong aspeto ng kanyang pagkatao ang ating tutukan ay lutang ang dalagang ito. Magaling siyang sumayaw, magaling siyang kumanta, ngayong gabi ay huhusgahan naman natin siya bilang isang aktres.
Kung ang kanyang mga katangian naman bilang tao ang pag-uuspan ay nagsasalita ang kababaan ng kanyang kalooban, walang kaere-ere ang dalagang ito, para siyang hindi ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Kaya niyang makibagay kahit kanino, marespeto siya sa lahat ng tao, at kapag ganun ang bata ay biglang papasok sa isip mo ang ganda ng pagpapalaking ginawa ng magulang niya sa kanya.
Dun namin pinapupurihan si Sharon Cuneta, ang mag-isang humubog sa kung ano at sino si KC ngayon, kapuri-puri ang paggabay na ibinigay sa kanya ng megastar.
Pagkatapos naming panoorin si KC sa Maalaala Mo Kaya ay didiretso naman kami sa Metro Bar, gusto naming mapanood ang concert ng Kitty Girls, kasama sina Derek Ramsay, Pokwang, Chris Cayzer at ang Showboys.
Puro patikim lang kasi ang napapanood namin sa Kitty Girls, gusto namin silang mapanood nang mahabaan ngayon, ang Kitty Girls ang kinalolokohan ngayon ng mga kalalakihang hangang-hanga sa kanilang kagandahan at kaseksihan.
- Latest