Philippine Orchestra back-up ni Connie Francis
Sa isang araw na ang Valentine’s Day at maraming shows ang puwedeng pagpilian.
Isa na rito ang show ni Connie Francis na isa na yata sa tinataguriang pinakamagaling at pinakapaboritong babaeng singer ng kanyang henerasyon.
Hinirang na America’s Sweetheart of Songs, si Connie ang nagpasikat ng mga di malilimutang kanta tulad ng Wishing It Was You, Where The Boys Are, My Happiness, Who’s Sorry Now, You Don’t Have To Say You Love Me, Malaguena, Al Di La, Mama, High Noon, Where Is Your Heart at marami pang iba.
Muling kakantahin ni Connie ang mga kantang nagpatibok sa puso ng marami sa kanyang Valentine concert, ang Greatest Hit Shows, sa Araneta Coliseum sa February 14,
Ayon kay concert producer Steve O Neal, isang di malilimutang show ito para sa fans ni Connie mula 16 years old to 60 sapagkat babak-apan si Connie ng majestic Philippine Orchestra.
Nakapagtanghal na si Connie sa US, Europe, Far East at nakatakda siyang magtatanghal sa Australia, Seoul, Tokyo, Manila, Malaysia, Philadelphia, Boston, Miami, New York City at New Jersey.
Kaka-release pa lamang ng kanyang album The American Tour at European Concert live recording. Nakatakda siyang mag-produce ng isang pelikula na ibi-base sa kanyang buhay at best selling autobiography na pinamagatang Who’s Sorry Now, ngayong taon.
Tickets sa Connie Francis Greatest Hits Show sa Araneta Coliseum sa February 14 ay mabibili na sa lahat ng Ticketnet outlets (911-5555). Makakabili rin sa lahat ng SM Malls ticketrons at sa Araneta Coliseum box office. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.ticketnet.com. (PE)
- Latest