^

PSN Showbiz

Tonyboy at Gretchen together again

- SEEN SCENE -

SEEN: Magkasama sina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco sa Mandarin Oriental Hotel noong Chinese New Year’s Eve. Doon sila naghapunan. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Matatag ang kanilang relasyon na palaging iniintriga.

SCENE: Natapos na kahapon ang Zaido: Pulis Pangkalawakan. Makakapahinga na ang mga bidang lalake ng Zaido. Hindi pa alam ni Aljur Abrenica ang kanyang next project sa GMA 7. Habang maluwag ang schedule ni Aljur, maaari na siyang mag-enroll sa acting workshop. Hindi marunong umarte si Aljur. Hindi niya dapat sayangin ang malaking break na ibinigay sa kanya ng GMA 7. Maraming artista ang guwapo ngunit walang acting talent. Kung hindi mag-aaral umarte si Aljur, walang pupuntahan ang kanyang acting career.

SEEN: Walang katao-tao sa  tiangge mall sa Greenhills na pag-aari ni Cogie Domingo at ng kanyang ama. Kung magpapatuloy ang ganoong sitwasyon, hindi malabo na magsara sa lalong madaling panahon ang negosyo ng pamilya ni Cogie. Mahirap na ang parking sa Greenhills Shopping Arcade, mas mahirap ang parking sa tiangge mall nina Cogie kaya hindi ito pinupuntahan ng mga tao. Puwedeng i-compare ang kalagayan ng tiangge mall sa takbo ng career ni Cogie.

SCENE: Tinutukan ng PSG ang mga huling araw sa telebisyon ng Zaido. Malakas ang hinala ng PSG na gumamit ng double ang mga lalakeng bida sa kanilang death-defying stunts. May mga suot na maskara sina Zaido Red, Blue at Green. Hindi nakikita ng mga manonood sa telebisyon kung ang tatlong aktor ang nasa likod ng mga maskara. Sumisirko sa ere sina Zaido Red, Blue at Green. Hindi ang uri nina Dennis Trillo, Mark Cielo at Aljur ang makakasirko sa ere.

SEEN: Inaakusahan ng pang-ookray ng mga artista ang Seen/Scene. Kung pang-ookray ang tingin ng ilang tao sa mga puna ng Seen Scene, so be it. Ngunit hindi  maaaring i-deny na katotohanan at hindi kasinungalingan ang mga obserbasyon at opinyon ng mga miyembro ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) tungkol sa mga artista, pelikula at mga programa sa telebisyon.

SCENE: Dapat nang tapusin ng GMA 7 ang Marimar. Kung hindi man, gawing matino ng mga scriptwriter ng Marimar ang kuwento nito. Matatalino ang televiewers. Hindi na sila natutuwa sa mga katangahan ng mga karakter ng Marimar na napapaikot ni Angelika, ang role ni Katrina Halili.

ALJUR

ALJUR ABRENICA

MARIMAR

ZAIDO

ZAIDO RED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with